Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
The General's Daughter Angel Locsin
The General's Daughter Angel Locsin

The General’s Daughter, aarangkada na sa Enero 21

KUNG walang pagbabago, sa Enero 21, 2019 na ang airing ng The General’s Daughter ni Angel Locsin kaya pala parating ipinakikita ang trailer nito sa ABS-CBN at social media.

Papalitan ng The General’s Daughter ang seryeng Ngayon at Kailanman nina Joshua Garcia at Julia Barretto na nagsimula noong Agosto 20 (5 months).

Bale back-to-back ang FPJ’s Ang Probinsyano at The General’s Daughter na parehong Dreamscape Entertainment produce.

Ang Halik na umere rin noong Agosto 20 ay extended dahil ayaw pa itong patapusin ng manonood lalo na ang mga kabit o mistresses na naging positibo ang dating sa buhay dahil kay Yam Concepcion.

Oo nga, kahit super late na ang airing ng Halik ay ang taas pa rin ng ratings nito dahil sakto ang oras ng pagdating ng mga nag-oopisina lalo na ang mga ‘kabit.’

Going back to The General’s Daughter, paspasan ang tapings ni Angel bilang si 2nd Lt Rhian Bonifacio at pinaghandaan niya talaga dahil ang dami niyang action scenes.

Inaabangan din ng supporters ng aktres ang muli niyang pagbabalik sa primetime na ilang buwan din siyang nawala.

Bukod kay Angel ay kasama rin sa cast sina Tirso Cruz lll, Albert Martinez, Ryza Cenon, Paulo Avelino, JC De Vera, Arjo Atayde, Eula Valdez, Janice de Belen, at Maricel Soriano. Kasama rin sa supporting sina Eric Quizon, Kim Molina, Louise de los Reyes, Polo Ravales, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Lexi Fernandez, Art Acuna, CholoBarreto at iba pa.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …