Sunday , April 13 2025

2 parak, tanod, 1 pa nagbarilan sa quarry site (Sa Tarlac)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Agad namatay ang dalawang pulis, isang barangay tanod at isa pang lalaki sa insidente ng barilan sa quarry site sa Brgy. Sta. Lucia, Capas, Tarlac, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat sa tanggapan ni C/Supt. Joel Napoleon Coronel, Acting Police Regional Office 3 director, kinilala ang mga bikti­mang sina SPO2 Jason Garcia, 45; PO3 Vincent Baluyot Lugtu, 40; kapatid niyang si Clint Donald Baluyot Lugtu, 33, at si Renato Mercado.

Nabatid kay Coronel, papunta si SPO2 Garcia sa quarry site sa Sitio Suarez sakay ng dump truck nang parahin ni Donald, barangay tanod na nakatalaga roon.

Sa puntong iyon, bumaba umano si Garcia mula sa truck at kinom­pronta ang tanod habang naroroon ang kapatid ng huli na si Lugtu, naka­talaga sa Regional Intel­ligence Division ng Police Regional Office 3.

Habang nagtatalo ay binaril umano ni Lugtu si Garcia na miyembro ng Mabalacat Police. Nang magpaputok si Garcia ay tinamaan ang istambay na si Mercado.

Samantala, ayon sa ilang saksi, nang makita umano ng isang Bernie Pabalan Hernandez na nakabulagta ang kanyang kaibigang si Gracia ay bumunot ng calibre .45 baril saka pinagbabaril ang magkapatid na Lug­tu saka mabilis na tuma­kas.

Ngunit agad nasakote si Hernandez sa isina­gawang follow-up opera­tion ng mga pulis sa bahay ng isang engineer na si Marvin Mariano sa Brgy. Balutu, Conception Tarlac.

ni LEONY AREVALO

About Leony Arevalo

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *