Saturday , November 23 2024

MOU sa pagmina ng langis at gas, kataksilan sa Filipinas

IGINIIT ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Ma. Sison na malinaw na kataksilan sa ating Konstitusyon ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng memorandum of understanding (MOU) sa pagmina ng langis at gas kasama si Chinese President Xi Jinping noong nakaraang Nobyembre 20.

Ayon kay Sison, “blatant betrayal of sovereign rights and national patrimony of the Philippines and the Filipino people” ang paglagda ng MOU ni Duterte dahil nabalewala ang tagumpay ng Filipinas sa kaso laban sa China sa Permanent Court of Arbitration ng United Nations sa The Hague, Netherlands.

Batid ni Duterte na inaangkin ng China ang buong West Philippine Sea (WPS) sa pamamagitan ng nine dash line theory nito kaya ilegal na inokupahan ang mga bato at bahura na ginawang artipisyal na isla at tinayuan ng China Coast Guard ng instalasyong militar kaya nagtataka si Sison kung bakit pumayag ang Filipinas sa MOU para i-exploit ang sarili nating teritoryo.

Pero iginiit ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang MOU ay isa lamang borador para masimulan ang negosasyon sa 60-40 porsi­yen­tong hatian pabor sa Filipinas para makapagmina ang China ng langis sa ating teritoryo.

Idinagdag ni Panelo na titiyakin ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na lahat ng kasunduan ay legal at pakikinabangan ng sambayanang Filipino.

ung madedehado ang Filipinas, idiniin niyang maaaring kumalas sa MOU on oil and gas development sa China ang ating bansa.

Inilinaw naman ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na bagamat walang nilabag sa Kons­titu­syon ang MOU sa oil and gas development, ibang usapan na ang joint exploration at exploitation sa WPS dahil mali­naw na labag ito sa ating Sali­gang Bats.

“Joint exploration and exploitation is prohibited in our Constitution, which requires that the Philippines shall have full control and supervision in the exploration and exploitation of natural resources,” ani Carpio.

“Joint exploration and exploitation as defined by law will diminish our full control and thus violate the Constitution.”

Ganito rin ang pananaw ni advocacy group Lakap ng Bayan spokesman ex-Col. Allan Jay Marcelino na labag sa ating Konstitusyon ang MOU para mamina ang mga teritoryong pasok sa ating Exclusive Economic Zone (EEZ).

“Atat na atat ang China na ma-exploit ang tinatayang $8 bilyong mina ng langis sa ating EEZ kaya kinu          bkob nila ang teritoryo natin,” ani Mar­celino.

“Batid naman ng buong mundo na may malaking deposito ng langis at gas sa West Philippine Sea malapit sa Malampaya kaya gigil ang China na maangkin ang Reed o Recto Bank.”

Idiniin ng Lakap Bayan na hindi papayag ang China kung tayo ang maghuhukay ng langis sa kanilang teritoryo kaya pinakamabuting bale­walain na ang MOU sa oil at gas development sa mga teritoryong pasok sa ating EEZ.

ABOT-SIPAT
ni Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *