Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Esports, isasali sa 2019 SEAG

KASAYSAYAN ang maiuukit sa nalalapit na 2019 Southeast Asian Games sa unang pagsalang ng electronic sports bilang regular ne medal sport.

Ito ang inianunsiyo ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa pangunguna ni Chairman Allan Peter Cayetano sa ginanap na press briefing kahapon kasama ang opisyal na partner na Razer na leading gaming brand sa buong mun­do.

“The Philippines is the first host country to stage an esports tournament as a medal event,” ani Cayetano.

“This lends credence to professional gaming as a true world-class sporting contest, as it engages a new generation of gaming fans.”

Isa lamang ang Esports sa 56 sports na inaproban ng SEAG Federation Council na idaos ng Filipinas sa ika-30 edisyon ng biennial event sa Southeast Asia sa susunod na taon.

Bilang katuwang ng Filipi­nas at ng SEAG, nangako ng tulong ang Razer sa pag-organisa ng makasaysayang Esports na magiging kauna-unahang online gaming medal event sa world sporting history.

Ang Razer ay nangu­ngunang Esports promoter at gaming brand sa mundo at sumuporta sa 18 professional gaming teams mula sa 25 iba’t ibang bansa.

Siniguro rin nila ang suporta sa Philippine team bilang host country.

Upang mapili ang kakatawan sa Philippine team ay magsasagawa ang Philippine Esports Ad Hoc Committee ng nationwide qualifiers na ang lahat ng Pinoy na amateur at professional gamers ay maaa­ring lumahok.

Sa ngayon, wala pang partikular na online gaming ang natukoy ng PHISGOC ngunit inianunsiyo ang anim na kategorya na bubuuin ng 2 per­sonal computer games, 2 mobile games at 2 console games.

Nitong Agosto sa 18th Asian Games ay matatandaang ipinakilala ng Indonesia ang Esports bilang demonstration sport at hindi regular na medal event. (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

2026 World Slasher Cup

20 entries pasok sa grand finals ng 2026 World Slasher Cup

DALAWAMPUNG entries ang magtutunggali sa grand finals ng kauna-unahang edisyon ng World Slasher Cup 9-Cock …

PSC Pato Gregorio PFF John Anthony Gutierrez

Football ng Pilipinas, Nagmarka ng Kasaysayan sa 2025

NOONG 2025, naabot ng football sa Pilipinas ang mga hindi pa nararating na tagumpay. Sa …

Creamline Cool Smashers PVL

Cool Smashers pinagtuunan ng pansin ng liga sa PVL All-Filipino Conference

Mga Laro Bukas(Filoil Centre)4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal6:30 n.g. – Akari vs Choco …

Camila Osorio Alex Eala

Osorio binigo si Eala na makapasok sa semis ng Philippine Women’s Open

SA PINAGSAMANG lakas at husay, pinigil ng Colombian na si Camila Osorio, si Alex Eala …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …