Tuesday , May 6 2025
Ampatuan Maguindanao Massacre
Ampatuan Maguindanao Massacre

2009 Ampatuan massacre hahatulan na (Conviction asam ng kaanak ng mga biktima)

UMAASA ang mga ka­nak ng 58 katao na napatay sa itinuturing na pinaka-karumal-dumal na krimen sa kasaysayan ng bansa, para sa ‘con­viction’ sa lahat ng mga akusado sa 2009 Ampa­tuan massacre.

Nakatakdang desi­s-yonan ng Quezon City court ang kaso laban sa mga miyembro ng Ampa­tuan clan at maraming iba pa makaraang ihain ng primary suspect na si Andal Ampatuan, Jr., ang kanyang formal offer ng mga ebidensiya noong 5 Nobyembre.

Bunsod nito, maaari nang desisyonan ng korte ang nasabing kaso.

“We meet this news with renewed vigor and relief, for we have waited too long and have given so much to the case over the years,” ayon sa pahayag ng mga kaanak ng mga biktima.

Mula sa 58 biktima na karamihan ay pinugutan sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao noong 23 Nobyembre 2009, 32 ay pawang journalist na noon ay nag-cover sa paghahain ng certificate of candidacy ng kalaban ng Ampatuan clan sa politika na si Toto Ma­ngu­dadatu.

Si Mangudadatu, no­on ay vice mayor ng bayan ng Buluan, ay tumatakbo bilang gobernador, kata­pat si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., anak ni noon ay Ma­guindanao governor An­dal Ampatuan Sr.

Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, kompi­yansa silang ang mga ebidensiyang iniharap sa paglilitis, kasama ang mga testimonya ng iba’t ibang testigo, ay sapat na para ma-convict ang mga akusado.

Kasabay nito, nagpa­pasalamat sila sa law firm na CenterLaw at sa state prosecutors “for tirelessly litigating our case and for staying by our side for 9 years.”

“The impending decision will undoubtedly go down in Philippine history as one of the most significant legal decisions to ever come from our trial courts regardless of the outcome,” anang mga kaanak.

“More than a guilty verdict, we pray for a judgment that will bring a sense of humanity into this dark and regrettable incident.”

About hataw tabloid

Check Also

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …

Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist

Comelec reso ipasa pabor sa lehitimong ABP officials, katarungan sa pagpaslang kay Leninsky Bacud hiniling

SA PAGDIRIWANG ng International Firefighters Day, muling iginiit ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist …

Arrest Shabu

HIV drug pusher swak sa P.4 milyong shabu

DINAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District — Batasan Hills Police Station (QCPD-PS6) …

Jaye Lacson-Noel

Ayon sa mga survey  
JAYE LACSON-NOEL NEXT MAYOR NG MALABON

KUNG ang lahat ng ginawang surveys sa Malabon City ang magiging batayan ng paparating na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *