Monday , May 5 2025

Suporta sa ASEAN tiniyak ni Duterte (Sa ayuda sa Rakhine state)

SINGAPORE –  Ginarantiyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong suporta sa mga ginagawang hakbangin ng ASEAN sa pagbibigay ng humanitarian assistance para sa mga apektadong komunidad ng Rakhine state.

Sa ‘intervention’ ng Pangulo sa isinagawang working dinner kasama ang iba pang ASEAN leaders, hinikayat ng Pangulo ang kanyang mga kapwa lider na, magtulungan upang ugatin ang pinagmulan ng karahasan sa Western Myanmar.

Bukod dito, umapela rin si Pangulong Duterte sa paglikha ng isang kaaya-ayang komunidad para sa mga naapektohan ng gulo at matulungang makabangon upang makapagsimula ng panibagong buhay.

Ang krisis sa Rohingya ang itinuturing na pinakamalalang humanitarian crisis sa East Asia.

Tinatayang nasa 720,000 Rohingya refugees ang nagpilit na makarating sa Bangladesh at ngayo’y nasa Cox’s Bazaar, itinuturing na pinakamalaki ngayong refugee settlement sa buong mundo. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Makati Taguig

Taguig ‘di tinanggihan naudlot na P200-B Makati subway project — Cayetano

BINIGYANG-LINAW ni Senador Alan Peter Cayetano na kailanman ay hindi tinanggihan ng pamunuan ng Taguig …

Yanna Vlog LTO Road Rage

Sa Zambales road rage
Motorcycle vlogger inisyuhan ng LTO-SCO

INISYUHAN ng Land Transportation Office (LTO) ng ‘Show Cause Order” (SCO) ang isang sikat na …

Tuguegarao

Tuguegarao, inaasahang may magbabalik

HINDI mapigilan ang ingay at init ng kalsada sa Norte nitong mga nakaraang linggo matapos …

Comelec Vote Buying

Vote-buying sa pormang ayuda
Marikina public school teachers umapela sa Comelec para imbestigahan si Quimbo

UMAPELA ang isang grupo ng public school teachers mula Marikina City sa Commission on Elections …

PAMILYA KO Partylist Atty Anel Diaz

PAMILYA KO PARTYLIST TANGGAP MAGIGING RESULTA NG HALALAN
Pananatiling pasok sa survey ipinagpasalamat

HANDA ang Pamilya ko Partylist sa magiging resulta ng halalan sa 12 Mayo 2025. Ito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *