Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dante Silverio
Dante Silverio

Ex-PBA coach inasunto sa pamamaril

SINAMPAHAN ng kaso sa Makati Prose­cutor’s Office ang da­ting coach ng Philippine Basketball Association (PBA) at sports car enthusiast na si Dante Silverio, makaraan ma­maril sa kanilang lugar.

Inaresto si Silverio ng mga tauhan ng Makati City Police dahil sa kasong alarm scan­dal.

Base sa ulat ng puli­s-ya, si Silverio, 81, ay hinuli ng pulisya noong 9 Nobyembre, bandang 10:23 am sa loob ng Eco­logy Village, Brgy. Ma­gallanes, Makati City.

Napag-alaman, inire­klamo ng ilang residente sa lugar si Silverio dahil sa pagpapaputok ng baril na nagresulta sa pagka­takot ng mga naninirahan sa naturang village.

Ayon sa report na tinanggap ni Makati City Police chief, S/Supt. Rogelio Simon, tinangka umanong tumakas ni Silverio gamit ang pu­ting Toyo­ta Fortuner nang pun­tahan sa kan­yang bahay ngunit nati­yempohan siya sa kanyang opisina sa S. Services Inc. sa Don Chino Roces Ext.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …