Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktor, tumatanggi sa milyong kita

TAWANG-TAWA kami sa kuwento ng manager ng kilalang aktor na mahilig tumanggi sa mga out of town at mall shows.

Nakakainis kasi ang laki-laki ng bayad sa kanya (aktor) tapos tatanggi lang? 

Siyempre aaminin ko, nanghihinayang ako sa komisyon ko.

“Imagine in one day, kayang kumita ng P3-M?  Sa bawat sampa niya ng stage para lang mag-show sa mga kandidato at hindi naman mangampanya babayaran siya ng tig-P500K, eh, 6 shows, ‘di tumataginting na P3-M?

“Kaya inis na inis ako, hindi ko kinakausap throughout the biyahe. Pinakawalan niya ang dalawang shows kaya P1-M din ‘yun.

Napansin niyang hindi ako kumikibo at galit ako, ‘yung isang talent fee niya sa show, ibinigay sa akin. Noong inaabot ko na ‘yung tf niya, sabi niya akin na lang, sabi ko iyo ‘yan, kukunin ko lang ‘yung komisyon ko, sabi niya, ‘iyo na nga lahat ‘yan para hindi ka na magalit.’ Eh ‘di tuwang-tuwa ako, imagine P500k ‘yun ‘no?,” mahabang kuwento sa amin.

Tinanong namin kung bakit tumatanggi na ang aktor gayung bilang lang naman ang projects nito.

Eh, siguro nagsawa na kasi rati ratsada siya, ngayon gusto na lang niyang i-enjoy kung anong mayroon siya. Sabi nga niya, ibigay ko na lang sa ibang alaga ko ‘yung mga project na para sa kanya, eh, puwede ba ‘yun, hindi naman kalakihan ang bayad at saka siya ang gusto talaga,” pahayag ng manager.

Kapag mall shows ay piling-pili lang ang pinupuntahan ng aktor, “naku ayaw niya sa malayong lugar lalo na kapag may taping o shooting siya kinabukasan, ayaw niya ng ngarag siya. Mas gusto niyang matulog na lang. Kaya maraming pinakawalang raket na ‘yan.”

Sabagay, nakagawa na rin naman ng pangalan ang aktor at tama rin ang sinabi niyang ibigay sa mga baguhan ang mga raket na para sa kanya para makatulong.

As of now ay may serye ang aktor at mukhang suwerte ang taong 2018 niya dahil simula Enero hanggang ngayon ay ang dami niyang projects.

Kaya ang manager niya ay super smile ngayon dahil mabenta ang aktor sa telebisyon at pelikula.

(Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …