Saturday , November 23 2024
Andi Eigenman Yam Laranas Aloy Adlawan Jules Katanyag All Souls Night
Andi Eigenman Yam Laranas Aloy Adlawan Jules Katanyag All Souls Night

Andi, aarte pa rin, ‘di pa iiwan ang pag-aartista

HINDI na prioridad ni Andi Eigenman ang pagiging aktres kaya naman mas madalas siya sa Siargao. Iyon na kasi ang gusto niyang buhay, simple at malayo sa anumang intriga.

Pero hindi natanggihan ni Andi ang All Souls Night na mula sa imahinasyon ni Yam Laranas at idinirehe nina Aloy Adlawan at Jules Katanyag, mga manunulat ng ilan sa mga pinakamalalaking Pinoy horror movies.

Ayon kay Andi, hindi naman niya tuluyang iiwan ang pag-arte. Tatangap pa rin siya ng mga proyekto kung may alok na trabaho sa kanya.

Ang All Souls Night ay handog ng VIVA Films at ALIUD Entertainment, kasama ang ImaginePerSecond production at ito mapapanood sa mga sinehan simula Oktubre 31.

Iikot ang kuwento ng All Souls Night kay Shirley, isang kasambahay na tumanggap ng panandaliang trabaho sa isang pamilya.  Ang ama ng tahanan ay may karamdaman at ang asawa nitong si Ellen ay may tatlong mahigpit na bilin kay Shirley:  Una, dapat laging nakasara ang mga bintana at mga pintuan; Ikalawa, huwag lalabas habang nagtatrabaho sa kanila; at ang panghuli, huwag papasok sa kanilang kuwarto ng walang pahintulot.

Kilala si Adlawan dahil sa Ouija na itinanghal bilang PinakaPasadong Dulang Pampelikula sa ika-10 Pasado Gawad Sining Sine ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro, at sa Signus na nagtamo rin ng maraming parangal kabilang na ang Best Foreign Film sa 2007 Lone Star International Film Festival sa Texas at Best International Thriller sa 2008 New York International Independent Film and Video Festival. Siya rin ang nagsulat ng pelikulang Sundo, T2, Tumbok, Third Eye, at ilang segments sa Shake, Rattle and Roll.

Bilang manunulat, ilan sa mga nabuong pelikula ni Katanyag ay ang  Shake, Rattle and Roll (12 and 13), Bampirella (TV series, 2011),   Darna (TV series, 2009), at Victor Magtanggol (TV series, 2018).  Bilang direktor, nakamit niya ang Special Jury Prize sa Cinema One Originals Digital Film Festival para sa pelikulang Si Magdalola at ang mga Gago (2016).

Si Yam na siyang tumatayong Creative Head ng All Souls Night ang nagbigay sa atin ng pelikulang The Echo (kilala rin sa titulong Sigaw na nabigyan ng Special Award mula sa Brussels International Festival of Fantasy Film.

Tampok din sa pelikula sina Yayo Aguila, Allan Paule, at ang bagong child star na si Lhian Gimeno.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 


Higher Than High will be a show stopper — Jed Madela
Higher Than High will be a show stopper — Jed Madela

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto

Negros Occidental katuwang na ng MTRCB tungo sa Responsableng Panonood

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY na idinaos ng Movie and Television Review and Classification …

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *