MAGANDA ang review ng mga taga-Star Cinema sa Tres dahil punumpuno ng aksiyon at tiyak na magugustuhan ito ng manonood lalo na sa mga naka-miss ng action movies.
Agree ang kausap naming taga-Star Cinema nang ikompara namin ang Virgo episode ni Bryan sa Die Hard movie series ni Bruce Willis dahil pareho nga raw.
“Exactly, parehong-pareho nga, hindi nagpahuli,” sambit sa amin.
Sa Setyembre 30, Linggo ang premiere night ng Tres at sa Oktubre 3 naman ang showing nito nationwide mula sa Imus Productions at ire-release naman ng Cine Screen under Star Cinema na idinirehe naman nina Richard Somes (Virgo) at Dondon Santos (Amats at 72 Hours).
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com


