Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Magulang sinaksak ng anak

KRITIKAL ang kalaga­yan sa pagamutan ng isang mag-asawa maka­raan saksakin ng kanilang anak na lalaki na sina­sabing may diperensiya sa pag-iisip dahil sa pagka­gumon sa droga, sa Makati City, kahapon ng madaling-araw.

Inoobserbahan sa Os­pital ng Makati ang mga biktimang sina Allan Astillero, 48, at Aracelie, 59, residente sa Guiho Extension, Brgy. Cembo ng lungsod.

Habang tinutugis ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na si Carigie Astillero, 20-anyos.

Ayon kay Makati City Police chief, S/Supt. Roger Simon, nangyari ang insidente dakong 5:30 am sa bahay ng mga biktima.

Sa imbestigasyon, pinagsasaksak ng suspek ang kanyang ama na pa­pa­sok na sana ng trabaho at ang ina habang nag­liligpit sa kanilang bahay.

Tumakas ang suspek makaraan ang insidente habang isinugod  sa natu­rang pagamutan ang mga biktima ng kanilang mga kapitbahay.

Ayon sa pulisya, may sakit umano sa pag iisip ang suspek dahil sa dro­ga. Ang suspek ay naku­long noong Agosto 2018 dahil sa mga kasong grave threat, illegal pos­session of deadly weapons at sa droga.

Sinasabing hindi u­ma­no natulungan ng mga magulang nang maku­long sa Makati City Jail ang suspek kaya nagta­nim ng galit sa mga bik-t­ima.

Ayon kay Simon, nitong 17 Setyembre, tangkang tumakas ang suspek mula sa Makati City Jail ngunit binaril sa paa at kamay ng mga nakatalagang jail officer.

Makaraan ipagamot sa ospital ay ibinalik sa naturang kulungan ang suspek ngunit kinaha­punan ay lumabas ang commitment order para sa kanyang paglaya.

Nang makauwi ang suspek sa kanilang bahay ay inundayan ng saksak ang kanyang mga magu­lang. Isa sa tinitingnan ng pulisya ang posibleng paghihiganti sa mga magulang ng suspek na nagtanim ng galit nang siya ay makulong.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …