Sunday , November 24 2024
Alan Peter Cayetano Risa Hontiveros DFA Budget
Alan Peter Cayetano Risa Hontiveros DFA Budget

2018 DFA budget sinasabotahe nga ba ni Senator Hontiveros?

TINANGKA nga ba ni Senator Risa Hontiveros na harangin ang budget ng Department of Foreign Affairs (DFA) para hindi maipasa sa plenary?

Itinatanong natin ito dahil sa pagdinig ng Senate Committee on Finance para sa budget ng DFA sa 2019, pinuna ni Senadora Risa ang kawalan ng aksiyon ng ahensiya sa kabila ng umano’y pambu-bully ng China sa West Philippine Sea.

Kumbaga, ayaw munang ipasumite ang panukalang budget ng DFA hangga’t hindi siya nasa-satisfy sa kasagutang gusto niyang makuha ukol sa nasabing isyu.

Mabuti na lamang at nanindigan si Senadora Loren Legarda, pinuno ng Senate Committee on Finance na dapat ay isumite na ang panukalang budget ng DFA sa plenaryo at doon na ituloy ang mga katanungan tung­kol sa iba’t ibang isyu.

Dito talaga naisasakripisyo ang kapakanan ng mga mama­mayan kapag ginagamit sa pamomolitika ang mga isyu na ilang beses nang sinagot pero lagi namang nagtataingang-kawali ang nagtatanong.

Hindi ba dapat na maghinay-hinay ang Akbayan Senator sa pagharang ng budget ng ahensiya para isulong ang agenda ng mga ‘nananabotahe’ sa magandang relasyon ng China at Filipinas?!

Masakit na akusasyon ‘yan, pero nakapagtataka kasi kung bakit ganyan ang iniaasal ni Senator Risa.

Dapat siguro nating ipaalala sa bagitong senadora na libo-libong overseas Filipino workers (OFWs) ang umaasa sa tulong ng DFA tulad ng assistance to national fund at legal assistance fund.

Kung may malasakit talaga siya sa OFWs, dapat ay sinupor­tahan niya ang mga programa ng DFA na nangangailangan na madagdagan ang pondo.

Pero hindi rin naman pinalagpas ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano ang pagbatikos na hindi pumapalag ang Filipinas sa mga aksiyon ng China sa South China Sea.

Ilang ulit nang sinagot ng Kalihim ng DFA na hindi nila isinasapubliko ang mga hakbang upang ipaglaban ang sovereign rights sa West Philippine Sea.

Nanindigan si Secretary Cayetano sa pagresol­ba ng sigalot sa pagitan ng Filipinas at China, mas epektibo ang estilo ng kasalukuyang adminis­trasyon kompara sa naging hakbang noong termino ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Iginiit ni Cayetano na hindi estilo ng kasalu­kuyang administrasyon ang magbilang ng “diplomatic protest” dahil sila ay mas nakatuon sa mga positibong resulta ng magandang ugnayan ng dalawang bansa.

Ipinaliwanag ni Secretary Cayetano, sa loob ng anim na taon, hindi nagprotesta ang Filipinas sa Malaysia at Vietnam sa kabila ng okupasyon sa ibang bahagi ng ating EEZ.

Ngunit ang kawalan ng protesta ay hindi nangangahulugan na isinuko ng Filipinas ang “claim” sa mga teritoryong ito.

Gusto lang nating ipaalala kay Senador Hontiveros na maging si dating Pangulong Aquino ay hindi pumayag na ilatag ang mga detalye ng kanilang “intelligence playbook” dahil makaa­apekto ito sa pakikipag-ugnayan sa China sa mga susunod ng taon.

Ngunit ngayon ay gusto ng senadora na maku­ha ang detalye ng mga protesta at “diplomatic action” laban sa China?!

Why oh why?

Tulad ng ibang kritiko, halatang ayaw ni Senadora Risa na maging tuloy-tuloy ang pakinabang ng Filipinas sa magandang relasyon sa China.

Kung hindi rin lang susuporta sa pagpapataas ng budget ng ahensiyang nangangalaga sa OFW at kung wala rin malinaw na alternatibong estra­tehiyang maibibigay si Senador Hontiveros para maresolba ang gusot sa West Philippine Sea, mas makabubuti pang itikom na lamang niya ang kanyang bibig.

Imbes mag-ingay, tumulong sana siya sa problema ng kakulangan sa consular offices para tuluyang matugunan ang dumaraming mama­mayan na nangangailangang kumuha ng passport.

Huwag namang gamitin ang budget hearing sa pamomo­litika.

Puwede po ba Madam Senator?!


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com


BULABUGIN
ni Jerry Yap


PCOO Chief Andanar nadale ng fake news?!
PCOO Chief Andanar nadale ng fake news?!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *