Monday , December 23 2024
sarah geronimo Miss Granny
sarah geronimo Miss Granny

Sarah Geronimo, inilampaso ang mga kasabayang pelikula

MINSAN matutuwa ka rin naman sa nagiging resulta ng mga pelikulang Filipino. Iyong pelikula nina Sarah Geronimo at James Reid, kumita raw ng P7.8-M sa unang araw. Kumita iyon nang mahigit na P13-M milyon hanggang sa ikalawang araw.

Iyon lang ang aming narinig at naniniwala nga kami sa sinasabi ng ilan na inilampaso niyon sa takilya ang mga kasabay nilang pelikula, pati na ang mga foreign film. Noong first day ng pelikula, nadaan kami sa isang mall malapit sa amin, na mayroon lamang limang sinehan. Iyong pelikula ni Sarah ay palabas sa isang sinehan at may naka-schedule na anim na screenings. Iyong isang pelikulang Ingles na inaasahan nilang kikita rin ay naka-slide screening. May kahati iyong isa pang pelikulang Ingles na horror sa isang sinehan at nagkaroon lamang ng dalawang screenings.

Iyang mga pelikula, binibigyan iyan ng slide screening kung sa palagay ng mga sinehan ay mahina. Hindi nagbago ang sitwasyon dahil nang madaanan namin iyon ng araw ng Linggo, naka-slide screening pa rin. Ibig sabihin niyon hindi lumakas.

Ang biruan nga namin noong isang kaibigan namin, baka naman sakaling lumakas iyon kung ang mga manonood ay bibigyan ng libreng siopao.

Minsan nakatutuwa na ang mga pelikulang Filipino ay mas kumikita kaysa mga pelikulang Ingles. Ganyan naman ang sitwasyon noong dati eh. Maski iyang Rambo, noong araw pinataob iyan ng isang pelikula ni Sharon Cuneta. Iyong mga malalaking pelikula noon, aba eh umiiwas sa pelikula ni Vilma Santos. Noong panahong iyon, mga dekada 80 hanggang early 90’s, namamayani sa sinehan ang mga pelikulang Pinoy. Bumaliktad nga lang iyan noong nagkasunod-sunod na ang mga pelikulang Pinoy na walang kuwenta na kung tawagin noong una ay pito-pito, tapos naging indie na.

HATAWAN
ni Ed de Leon


Pagkapikon ni Goma, nabura ng accomplishment ng Ormoc
Pagkapikon ni Goma, nabura ng accomplishment ng Ormoc

About Ed de Leon

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *