Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Edcel Lagman Gary Alejano Teddy Baguilat
Edcel Lagman Gary Alejano Teddy Baguilat

7 mahistrado ng SC sinampahan ng impeachment

SINAMPAHAN ng op­position congressmen ng impeachment com­plaints ang pito sa walong mahis­trado ng Korte Suprema na bumoto para mapa­talsik sa puwesto si da­ting Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Inireklamo ng cul­pable violation ng Consti­tution at betrayal of pub­lic trust sina Justices Teresita de Castro, Dios­dado Peralta, Lucas Bersamin, Andres Reyes, Francis Jardeleza, Noel Tijam at Alexander Gesmundo.

Hindi isinama sa rek­lamo si Ombudsman Samuel Martires dahil hindi na siya nakaupong associate justice ng SC.

Ayon sa mga mamba­batas, nilabag umano ng mga naturang mahis­trado ang Konstitusyon nang alisin nila sa pu­westo si Sereno sa pama­magitan ng quo warranto, kahit alam nila na tanging sa impeachment procee­ding lamang dapat alisin sa puwesto ang punong mahistrado.

Inakusahan din sina De Castro, Peralta, Ber­samin, Tijam at Jardeleza ng betrayal of public trust dahil sa tumanggi silang mag-inhibit sa petisyon ng quo warranto, sa kabila ng kanilang uma­nong hinanakit at hindi pagiging patas kay Sere­no.

Kabilang sa mga naghain ng reklamo laban sa mga mahistrado sina Albay Rep. Edcel Lag­man, Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, Ifugao Rep. Teddy Baguilat, at Akbayan party-list Rep. Tom Villarin. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …