Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PDEA, BoC magkasalungat sa drug smuggling sa magnetic lifters

READ: Nakalusot na ‘P6.8-B shabu’ espekulasyon — Palasyo
PORMAL na isinumite ni Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña kay PDEA Director General Aaron Aquino ang 500 kilo ng shabu, tinatayang P4.3 bilyon ang halaga, na nakalagay sa dalawang magnetic lifter mula sa bansang Malaysia, makaraan masabat ng mga tauhan ni Bureau of Customs Manila International Container Port (MICP) District Collector Atty. Vener Baquiran dahil sa misdeclaration ng shipment. (BONG SON)

MAGKASALUNGAT ang posisyon ng Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Bureau of Customs, sa kontrobersiyal na smug­gling ng magnetic lifters na sinabing naglalaman ng 1000 kilo ng drugs sa halagang P6.8 bilyon.

Sa pagdinig ng House committee on dangerous drugs na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, iginiit ni PDEA officer-in-charge Deputy Director General for Operation Atty. Ruel Lasala na ang magnetic lifters ay naglalaman ng ilegal na droga.

Lahat ng indikasyon at sirkumstansiya ay nagsasabi na droga ang laman ng magnetic lifters, ani Lasala.

Nagsagawa ng ins­pek­siyon ang PDEA sa magnetic lifters na natag­puan sa General Mariano Alvarez sa Cavite bago magpasya na may bakas ng ilegal na droga ang mga kagamitan.

Ayon kay Barbers, mahirap paniwalaan na walang kinalaman ang mga corrupt na opisyal ng Customs sa pagpu­puslit ng mga droga.

Nauna nang sinabi ni Marikina City Rep. Ro­mero Quimbo, sa kabila ng malaking pondo na ibinigay sa customs at sa PDEA, nakalulusot pa rin ang napakalaking halaga ng droga.

Pinabulaanan ni Customs Chief Isidro Lapeña na may bakas ng droga ang magnetic lift­ers.

Ani Lapeña, walang bakas ng droga ang mga lifter pakatapos ng ins­pek­siyon.

Dapat aniya maging maingat ang mga awto­ridad sa paglalabas ng hindi beripikadong im­pormasyon.

(Gerry Baldo)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …