Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Aktres, sinungitan ang ekstrang nagpapa-picture

SUPER turn-off ang naka-tsikahan naming talent sa isang teleseryeng umeere ngayon sa bidang babae dahil sinungitan ang mga nagpapa-picture.

Ang buong kuwento, “siyempre mga talent kami starstruck kami sa kanya kasi bida siya. First time namin siyang makakaTrabaho. GanOOn naman talaga, ‘di ba?”

Ang kausap naming talent ay maraming beses nang lumalabas sa mga serye at katunayan, nakatrabaho na niya ang mga malalaking artista tulad nina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Jodi Sta. Maria, Lorna Tolentino, Coney Reyes at iba pa.

Lahat ng mga nabanggit na artista ay may picture ang kausap naming talent dahil ito ang konsuwelo niya at kino-compile niya ito bilang remembrance.

Nitong linggo lang ay may taping ang talent sa serye ng bidang babae at napansing hindi ngumingiti sa kanila. Inisip nila nag-i-internalize sa eksenang kukunan.

Ganoon naman talaga bago mag-take, hindi nagsasalita ang mga artista, gets namin ‘yun.  Pero itong si (bidang babae) matagal ng tapos ang eksena at nakiki-tsika na siya sa mga kasama niya at sa staff kaya lumapit ‘yung isang kasama naming talent na kung puwedeng magpa-picture, nagpaalam naman.

“Kitang-kita ko na umismid si (bidang babae) at halatang pilit at noong magte-thank you na ‘yung kasama ko, tumalikod na. Hindi na ako nagpa-picture, nawalan ako ng gana.

“Hindi namin ini-expect ng kasama naming ganoon pala ang ugali niya.  Sayang, gustong-gusto pa naman namin siya, sagwa pala ng ugali,” detalyeng kuwento sa amin ng talent.

Sinabi namin na baka pagod ang bidang babae dahil intense ang lahat ng eksena sa serye. (Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …