Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
marijuana

Estudyante kalaboso sa high grade marijuana

KALABOSO ang isang 20-anyos estudyante makaraan makompiskahan ng mga pulis ng tatlong pakete ng kush o high-grade marijuana sa buy-bust operation sa Marikina City, kamakalawa.

Sa ulat ni Marikina chief of police, S/Supt. Roger Quezada, kinilala ang suspek na si Mark Joseph Legaspi, 20-anyos, nakatira sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na makaraan makatanggap ng tip, agad ikinasa ng Marikina anti-drugs operatives ang buy-bust operation sa isang kainan sa Brgy. Parang sa lungsod na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakuha sa suspek ang tatlong pakete ng kush na tinatayang P1,000 ang halaga at buy-bust boodle money.

Nakapiit sa detention cell ng pulisya ang sus­pek na naka­tak­dang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …