Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vhong, pinag-iingat

READ: CJ Ramos, problemado at depress

GUILTY. Ito ang hatol ng Metropolitan Trial Court, Taguig kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Jed Fernandez sa kasong grave coercion na isinampa laban sa kanila ni Vhong Navarro noong 2014.

Ayon kay Vhong, sa isang interview niya, nakahinga na siya ng maluwag dahil nakamit na niya ang hustisya.

Halos maglilimang taon na rin. Kumbaga, at least, nagkaroon tayo ng hinga. Kumbaga, nakita ng judge kung ano talaga ang sinasabi ko,” sabi ni Vhong.

Sa tanong kung nakapagpatawad na ba siya, ang sagot niya, willing siyang magpatawad kung ang tao ay pinagsisisihan kung ano ang ginawa niya. Kaso mahirap magpatawad kung ang tao ay hindi naman humihingi ng tawad sa kasalanang ginawa niya. Na ang ibig sabihin ni Vhong ay hindi niya pa napatatawad ang tatlo dahil hindi naman ito humihingi ng tawad sa kanya.

Marami ang nagsasabi kay Vhong na magdoble ingat pa rin siya ngayon, pero ayon sa kanya, ibinigay na niya ito lahat sa Diyos.

“‘Di ba, sinabi ko naman sa inyo, kung ano ang mangyayari, mangyayari. Kumbaga, nakatakda. Kailangan mo lang gawin kung ano ‘yung ginagawa mo lahat. Kasi, kung mananatili ka sa takot, walang mangyayari sa atin.”

(ROMMEL PLACENTE)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …