Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Doktor, lover timbog sa droga

ARESTADO ang 59-anyos doktor at 36-anyos niyang live-in partner na sinabing tulak ng ilegal na droga, sa ikinasang buy-bust operation ng San Juan PNP sa West Crame, Brgy. West Crame, San Juan City, kamakalawa ng hapon

Kinilala ni S/Supt. Ber­nabe Balba, EPD director, ang mga nada­kip na sina Dr. Amante Ramos, isang surgeon, nakatira sa Rosas St., Fairlane Subd., Marikina City, at Venus Angeles, 36, residente sa Road 10, 1st West Crame sa lungsod ng San Juan.

Ayon sa ulat, dakong 2:15 pm nang ikasa ng mga tauhan ni San Juan PNP acting chief of police, S/Supt. Bowenn Joey Masauding ang anti-drugs operation na nag­resulta sa pagkakahuli sa mga suspek sa nabanggit na lugar.

Nakuha sa mga sus­pek ang P500 buy-bust money at P500 halaga ng shabu.

Nabatid sa pulisya na ang mga suspek ang uma­no’y supplier ng ilegal na droga sa West Crame.

Sila ay dating surren­deree sa Oplan Tokhang at ang transaksiyon sa bilihan ng droga ay idina­daan sa text messages.

(ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …