Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Garrie, pinuri sa The Lease

SANA mapansin din si Garrie Concepcion ng malalaking film outfit tulad ng Viva Films, Star Cinema, at Regal Films dahil marunong pala siyang umarte.

Napanood namin ang dalaga sa pelikulang The Lease bilang leading lady ng Italian actor cum director na si Ruben Maria Soriquez na produced ng Utmost Creatives na idinirehe naman ng Italian director na si Paolo Bertola mula sa panulat ni Mario Gatdula Alaman.

Hindi naman kataka-taka na marunong umarte si Garrie dahil anak siya ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna at kapatid naman siya sa ama ni KC Concepcion.  Nagkaroon na rin naman ng cameo role ang dalaga sa telebisyon sa fantaseryeng La Luna Sangre.

Anyway, ginampanan ni Garrie sa The Lease ang papel bilang asawa ni Ruben at may dalawa silang anak na tumira sa isang malaking mansion sa Tagaytay City dahil sa trabaho ng asawa.

Psycho-thriller ang genre ng pelikula at plano itong ipalabas sa ibang bansa pero siyempre ipalalabas muna ito sa Pilipinas sa Miyerkoles, Hulyo 25.

Sa nakaraang screening ng The Lease na ginanap sa SM Megamall Cinema 7 ay maganda ang mga ngiti ni Garrie dahil pinuri siya sa pelikula.

Nakakakaba. I studied the role, ayaw kong mapahiya sa kanila,” saad ng dalaga.

Nabanggit din na pangarap ni Garrie na maging bida sa pelikula at nangyari sa The Lease, ”This is a dream come true.”

Napangiti at humanga rin ang leading man ni Garrie na si Ruben, “She is professional, magaan katrabaho, at mahusay!”

Bukod kina Ruben at Garrie ay kasama rin sa The Lease sina Harvey Almineda bilang anak nila.

At siyempre dumating naman ang singer na si Michael Pangilinan para suportahan ang girlfriend niyang si Garrie at ang mommy ng aktres na si Ms Grace.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …