Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine, gustong isama ni Coco sa MMFF entry nila ni Vic

HINDI pa kompleto ang cast ng pelikulang Popoy en Jack, the Puliscredibles, isa sa official entries sa darating na Metro Manila Film Festival 2018, na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Coco Martin.

Si Coco ang isa sa producers ng pelikula. Ikinukonsider niya na mapasama rito si Maine Mendoza. gusto niya kasing makatrabaho ang ka-loveteam ni Alden Richards.

“Honestly, I would love to do a movie with her. Pero hindi pa maayos ang schedule,”sabi ni Coco.

Kung sakaling mapapasama sa Popoy en Jack, siguradong malaking tulong si Maine sa paghatak ng manonood. Sikat kasi ang dalaga, marami itong fans, ‘di ba?

‘Yung movie kaya ni Vice Ganda na Fantastica: The Princess, the Prince and the Perya na kasali rin sa MMFF 2018, sino pa kayang big stars ang makakasama rito?

Si Vice lang kasi ang big star sa kanyang pelikula. Pero kung sakaling, wala nang ibang big star na ilalagay sa pelikula,sa tingin namin, magiging blockbuster pa rin ito. Grabe naman kasi ang dami ng mga tagahanga ni Vice, na lahat ng pelikulang ginagawa niya ay tinatanggkilik ng mga ito. Wala pa siyang pelikula na nag-flop sa takilya, sa totoo lang.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …