Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayor Khonghun, ipinagtanggol si Aiko: Hiwalay na kami ng misis ko nang dumating si Aiko

INIINTRIGA ang pakiki­pag­ relasyon ni Aiko Melendez kay Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun.

Ayon sa kanyang detractors at sa netizens, nakipagrelasyon daw siya rito, gayung alam naman niyang pamilyadong tao ito, na naging dahilan  para hiwalayan ng naturang mayor ang asawa.

Sinasabihan tuloy ang magaling na aktres na isa siyang homewrecker.

Ipinagtanggol naman ni Mayor Jay si Aiko.

Ayon sa kanya, hiwalay na sila ng kanyang misis nang dumating ito sa buhay niya. Hindi lang nila ‘yun in-announce sa publiko.

Napagdesisyonan kasi nilang pareho ng ex-wife niya, na huwang nang idetalye sa publiko ang dahilan ng hiwalayan nila, para protektahan ang privacy ng kanilang anak.

Aware naman si Aiko sa intrigang ipinupukol sa kanya. Kaya naman sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nag-post siya ng ganito, “Wow! So many issues na pala. Hahaha! Let me choose which one to answer and which one to ignore.”

Sa post na ito ni Aiko, nagbigay ng reaction/comment ang ilan sa FB friends niya. Sabi ni Rina Navarro, “Ignore all of it. Sayang sisikat sila sis.”

Sabi naman ng singer na si Marissa Sanches, “Remember ur a beautiful tree neng!”

Ayon naman sa road manager niya na si Phillip Ababon Roxas, “Deadma na friend. may mga tao talagang hindi masaya ‘pag masaya ka.”

Comment naman ni Bunny Angel Quijada, “Para sa akin po, wala na mas makapangyarihan pa sa salitang deadma. Pagdating sa mga ganyang klaseng bagay, just be happy kasi ‘pag pinatulan mo, mas lalo po sila magiging happy na mapapansin sila. ‘Pag dinedma mo, malulungkot sila.”

Well, magbigay kaya ng kasagutan/reaksiyon si Aiko sa isyu sa kanya, o deadmahin na lang niya ito?

MA at PA
ni Rommel Placente

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …