Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gov. Chavit, bibilhin ang IBC 13

HINDI ikinaila ni dating Gov. Chavit Singson ang planong bibilhin niya ang IBC 13.

Sa pakikipag-usap namin sa kanya kasama ang ilang entertainment press sa bahay nito, sinabi ng dating gobernador na bibilhin nila ni Sen. Manny Pacquiao ang IBC 13, hindi pa nga lamang sa ngayon dahil may inaayos pa at pinag-aaralan pa ng kanyang team kung paano nila makukuha.

Ani Chavit, ”Nagsabi na kami na bibilhin ‘yung Channel 13. Maraming problema pati labor, lahat.”

Natanong din ang dating gobernador kung gagawin ba niyang sports channel ang IBC 13?

“No, if ever, ipa-partner ko sa  mga nakaaalam talaga sa industry sa abroad and sa lahat ng mga nandito sa industry na nakaaalam. Hindi ako kukuha ng walang alam sa TV, sa showbiz, lahat ng kukunin ko lahat may alam sa industry.

Ukol naman sa nalalapit na laban ni Pacquiao, naikuwento nitong lagi  siyang nakasuporta sa Senador at para hindi maabala ang laban sa boxing ay ipinasusundo niya ito ng kanyang private airplane sakaling magkikita sila o may pupuntahan.

At dahil nalalapit na rin ang election sa susunod na taon, tinanong din ang dating gobernador kung may plano pa itong tumakbo.

Ang taning sagot ni Singson, ”Wala na akong planong tumakbo. Masaya na ako. Kompleto na ako.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …