Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Inting ng Comelec, Puyat ng Tourism lusot sa committee level ng CA

LUMUSOT sa maka­pangyarihang Commis­sion on Appointments (CA) committee level ang nominasyon nina Bernadette Fatima Ro­mulo-Puyat bilang ba­gong kalihim ng Depart­ment of Tourism, Socor­ro Balinghasay Inting bilang Commissioner ng Commission on Elections (Comelec).

Gayondin sina Nel­son Collantes para sa posi­s-yon ng brigadier general (reserve), Em­manuel Mahipus para sa posi­s-yong colonel, Philippne Air Force (reserve), Carlito Galvez para sa ranggong General, Rolan­do Rodil sa ranggong brigadier Generel, at Jose­lito Maclan sa ranggong brigadier General.

Ang mga nabanggit ay inaasahang kokom­pirmahin sa plenary session ng CA ngayong araw para pagtibayin ang kanilang pag-upo sa puwesto.

Samantala, bigong makalusot sa committee level ng komisyon si Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Raulo Castriciones dahil sa mga opositor at ilang pagdudada ng ilang miyembro ng komisyon.

Dahil dito, idinaan sa caucus o executive session ang nominasyon ni Castriciones na dina­lohan ng mga miyembro ng komisyon.

Napag-alaman mula kay Senadora  Grace Poe, matapos ang debate ng mga miyembro ng komisyon ay napagpa­s-ya­han ng 13 miyemebro nito ang pag-aproba sa nominasyon ng kalihim.

Sinabi ni Poe, dala­wang miyembro lamang ang hindi bumoto sa kalihim ngunit hindi niya mabatid kung sino dahil sa secret voting idinaan ang botohan.

Makokompirma rin ng komisyon ngayong araw ang nominasyon ng kalihim ng DAR.

(NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …