Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Police killer timbog sa Antipolo (6 pa target ng PNP)

ARESTADO ang pangu­nahing suspek sa pagpatay sa isang pulis na binaril sa ulo noong Linggo ng mada­ling-araw, habang target ng mga awtoridad ang anim pa niyang kasamahan.

Iniharap kay PNP chief, Director General Oscar Albayalde kahapon sa press conference sa Camp Crame, ang suspek na si Crispin Fortin, ang gunman sa pag­paslang kay PO3 Don Carlo Mangui.

Siya ay nadakip ng mga awtoridad sa follow-up operation nitong Martes ng umaga sa Brgy. San Isidro sa Antipolo City.

Nabatid sa opisyal, mayroon pang anim na kasa­mahan ng suspek ang target ng operasyon ng pulisya.

Matatandaan, dumalaw si Mangui, 32, residente sa Teresa, Rizal, nakatalaga sa Crime Laboratory sa Camp Crame, sa kanilang lumang bahay sa Chico St., Purok Sumulong sa Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Niyaya siya ng mga kaibigan na sila ay mag-inoman ngunit dakong 1:45 am, lumitaw sa kanyang likuran si Fortin kasama ang anim pang kalalakihan, at binaril sa ulo ang pulis.

Habang papatakas ang mga suspek ay binaril ni Fortin si Cris Baquiran nang masalubong sa Marcos Highway na lulan din ng motorsiklo.(ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …