Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P3-M shabu, kush kompiskado sa buy-bust sa Cainta (2 misis ng inmates arestado)

UMAABOT sa P3 mil­yon halaga ng shabu at high grade marijuana ang nakompiska ng mga tauhan ng Drugs En­force­ment Unit (DEU) sa ikinasang buy-bust operation sa Cainta, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PRO4-A Calabarzon regional director, C/Supt. Guil­lermo Eleazar ang mga arestado na sina Mi­chelle Baylon at Laika Vera, kapwa asawa ng mga inmate sa Bicutan na sina Evan Baylon at Jester Vera, na co-inmate ng isang Antonio Cis­neros, isang American national na umano’y utak ng pagpapakat ng ilegal na droga sa Metro Manila at karatig pro­binsya.

Ayon sa ulat, sa iki­nasang buy-bust opera­tion ng DEU-Calabarzon  ay nakompiskahan ang mga suspek ng 250 gramo ng shabu at isang kilo ng imported mari­juana o kush, tinatayang P3 milyon ang halaga sa Que Plaza, Cainta.

Ayon kay Eleazar, konektado ang dala­wang babae sa isang grupo ng mga nagtutu­lak ng ecstacy sa Quezon City at iisa ang pinag­kukuhaan ng supply.

Pinabulaanan ng mga nadakip na suspek ang alegasyon sa kanila.

Nakompiska rin sa mga suspek ang P500,000 buy-bust money.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Compre­hensive Dangerous Drugs Act 2002 ang haharapin ng mga suspek.

 (ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …