Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Korupsiyon lalong lumala

BUMULUSOK ang Filipinas sa pandaigdigang talaan ng Corruption Perception Index (CPI) ng Transparency International (TI) na binansagan ang ating bansa na “worst offender of press freedom” sa buong Asya.

Bumagsak ang Filipinas sa No. 111 sa 180 bansa ng TI sa world corruption rankings para sa taong 2017 mula sa 101st place noong 2016. Kahilera ng Filipinas ang India at Maldives sa “worst offenders” ng press freedom sa buong Asya dahil pinapatay ang mga mamamahayag na nagbubulgar ng katiwalian.

Kaugnay nito, ibinunyag ng advocacy group na Lakap Bayan na tumanggap umano ang isang opisyal ng Duterte administration ng P10 bilyon para tumahimik ang Malacañang sa kaso ng pagkasunog sa Resorts World Manila sa Pasay City na 38 katao ang namatay kabilang ang sumalakay na lulong sa casino noong 2 Hunyo 2017.

“Biglang namatay ang isyu sa insidente sa Resord World pati ang demanda ng mga pamilya ng namatay na naglahong parang bula,” ayon kay Lakap Bayan spokesman ex-Col Allan Jay Marcelino. “Nalagyan ang isang opisyal ng Duterte administration ng P10 bilyon na ipinaabot umano ni Resorts World owner Lawrence Ho sa isang Mr. Charlie kaya biglang lumakas ang ‘gaming lord’ sa Malacañang na kulang na lang iluklok sa PCSO para makontrol ang jueteng sa buong bansa.”

Kinuwestiyon din ni Marcelino ang areglohan sa kaso ng Mighty Corporation para makalusot sa kasong large scale tax evasion at economic sabotage dahil sa bulto-bultong sigarilyo na peke ang tax stamps.

“Isang dating Pasay City councilor ang inutusan ni Col. Cesar Mancao para ayusin at makalusot sa mga kaso si Mighty Corp. owner Alexander Wongchuking na ni hindi nakulong kahit ipinangalandakan na nabibili niya ang lahat ng opisyales ng Filipinas,” ani Marcelino.

“Dapat ay mahigit P30 bilyon ang bayarang buwis ng Mighty Corp., pero bakit bumaba sa P25 bilyon lamang? Hindi na dapat magpataw ng bagong buwis kung direktang nagbayad si Wongchuking sa BIR pero ngayon tuloy ang kompanya na pinalabas na ibinenta sa Japan Tobacco Philippines Inc.”

Ibinunyag ni Marcelino, isang ‘abogado’ ng Mighty Corp., na mula sa Davao City ang malapit sa administrasyon, at dapat imbestigahan ang pagkamatay ni Rivera sa SM South Mall pagkatapos  tumulong  sa  pag-areglo sa Mighty Corp.

Kinondena rin ni Marcelino ang kabulukan ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay sa biglang pagbaba ng binayarang buwis ng Del Monte Philippines Inc. (DMPI) mula sa P30 bilyon sa mahigit P65 milyon lamang.

“Pinaimbestigahan ni Speaker Pantaleon Alvarez ang 18 opisyal ng BIR kung bakit bumaba ang dapat bayarang buwis ng DMPI na ikinalugi ng gobyerno ng kabuuang P29.6 bilyon para sa mga taong 2011 hanggang 2013 pero biglang naglaho ang isyu,” paratang ni Marcelino. “Malaking sabwatan ito pero nagkaroon ng news blackout tulad ng nangyari sa Mighty Corp., kahit may matibay na mga ebidensiya ang nagreklamo sa Tanggapan ng Pangulo at ng Ombudsman na si Quezon City taxpayer Danilo Lihaylihay.” (HNT)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …