Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
erich Gonzales cry the blood sisters
erich Gonzales cry the blood sisters

Erich, ‘di napigil ang pag-iyak

HINDI napigil ni Erich Gonzales ang maiyak sa ibinigay na Thanksgiving mediacon para sa kasalukuyan niyang teleserye, ang The Blood Sisters dahil sa pagka-hook at agad tinutukan ng televiewers ang kuwento ng triplets.

Sa pagsisimula ng The Blood Sisters, agad itong nagtala ng national TV rating na 25.2%, ayon sa datos ng Kantar Media, kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat ng aktres.

“‘Wow! Hindi ko po alam ang sasabihin ko. I have no words,” panimula ng aktres. ”Siguro puro pasasalamat lang po, unang-una thank you po sa oras ninyo na nandito po kayo, sa suporta pong ibinibigay ninyo sa ‘The Blood Sisters.’ Gusto ko rin pong i-grab ang opportunity na ito to thank all the televiewers na nagustuhan nila ang ‘The Blood Sisters,’ sana po patuloy lang silang kumapit sa istorya nina Carrie, Erika, at Agatha,”masayang pagbabahagi ni Erich na bukod sa teleserye ay hinangaan din ang maganda nilang pelikulang The Significant Other na palabas na ngayon.

Aminado si Erich na hindi madaling gampanan ang tatlong character na agad nailatag ang kuwento kung paano nagkahiwa-hiwalay ang triplets. ”But kapag naite-text na sa akin ang ratings at nakakabasa ako ng magagandang reviews, positive na feedback, sobrang nawawala po ang lahat ng pagod at gusto ko rin pong pasalamatan ang buong ‘Blood Sisters’ team, lahat po ng involve sa show, lahat ng co-actors ko, sobrang thank you po sa inyong lahat,” anito.

“Grabe, thank you lang talaga, pero bakit parang nakaiiyak,” at dito na hindi napigilan ni Erich ang maluha. “Sorry,” aniya habang patuloy na pumapatak ang kanyang luha at sige naman siya sa pagpunas.

“Pa-tribute naman,” tuloy pa rin sa pag-iyak ang aktres. ”Sandali lang po mga dalawang oras po (pag-iyak),”nangingiti subalit naiiyak pa ring sambit ng aktres.

“Thank you po sa lahat ng involve sa shows, sa production staff. Thank you po sa aming direktor Jojo (Saguin), direk Dick (Roderick Lindayag) sobrang thank you po sa hardwork ninyo, sa passion ninyo, sorry talaga,” iyak pa ni Erich na ibinuking ni Cherrie Pie Picache (gumaganap na ina ng katauhan ni Agatha) na kauuwi lang ni Erich kahapon ng 5:00 a.m. at nang tanghali ay nagtungo na sa Thanksgiving mediacon.

Pagpapatuloy pa ni Erich,”Thank you also to Dreamscape and to Sir Deo (Endrinal, head ng Dreamscape) for this dream project, ‘Yun muna. Thank you.”

Patok na patok sa manood ang The Blood Sisters na sa loob ng dalawang linggo, patuloy nitong tinatalo ang kalabang programa at consistent na nakapapasok sa Top 5 ng pinaka-pinanonood na weekday programs sa buong bansa.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …