Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Erich Gonzales The Blood Sisters

Sikreto sa portrayal ng tatlong karakter sa “The Blood Sisters” ibinunyag ni Erich Gonzales

SA panayam ng mga friend naming sina Reggee Bonoan at Ms. Maricris Nicasio (Entertainment Ed ng pahayagang ito) sa TV and radio host/ comedian/talent manager na si Ogie Diaz, na parte ng bagong top-rating na teleseryeng “The Blood Sisters” na pinagbibidahan ni Erich Gonzales, ibinuko ni Mama O, ang sikreto ni Erich sa portrayal niya ng tatlong karakter.

Magkakapatid na sina Erika (may Visayan accent), Agatha (Ilocana accent) at Dra. Carrie (Inglesera) ang papel na ginagampanan ng tatlong karakter ni Erich.

Kinausap raw ng Kapamilya actress (Erich) ang scriptwriter sa pinagbibidahang serye at nag-suggest kung ano-ano ang mga palantandaan na gagawin niya para magkaroon ng kanya-kanyang pagkakakilanlan ang tatlong karakter sa The Blood Sisters.

Proud na proud at puring-puri ni Ogie si Erich na bukod daw sa napakahusay umarte ay mahusay rin makisama sa mga katrabaho, including him, na agad silang nagkasundo lalo sa kanilang mga eksena.

Samantala magmula nang umere last February 12 ang TBS, hindi na ito binibitiwan ng mga manonood kaya naman sa latest survey ng Kantar Media ay waging-wagi sila sa rating nilang 23.5% sa national, at sa rural ay 25.6% last February 15.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …