Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

DFA nakiramay sa US sa Florida school shooting

NAGPAHAYAG ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa gobyerno ng Estados Unidos at sa mga magulang ng namatay na mga estudyante at mga sugatan makaraan ang pamamaril sa isang paaralan sa Parkland, Florida nitong Miyerkoles.

“We are deeply saddened over the loss of so many young lives in this shooting incident in Parkland, Florida. Our hearts reach out to the families of those who lost their lives in this horrible tragedy,” pahayag ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano.

,

Ayon kay Cayetano, sa ipinarating na report ng embahada ng Filipinas sa Washington, D.C., wala aniyang Filipino sa mga biktima ng pama­ma­ril sa Marjory Stoneman Douglas High School.

Sa inisyal na ulat ni Ambassador Jose Manuel G. Romualdez, isang estudyante na na-expell sa naturang paaralan, na armado ng mataas na kalibre ng baril ang pumasok sa gusali ng eskuwelahan at walang habas na namaril, ikinamatay ng 17 estudyante at ikinasugat ng 16 pang iba.

Ang suspek na sugatan din ay nasa kustodiya ng pulisya.

Ang naturang trahedya ay ikinokonsiderang  pinakamalalang insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa kasaysayan ng Estados Unidos.

“We join our kababayans in Parkland, Florida and the rest of Florida and the United States in prayers for the victims of this tragic incident,” ayon kay Ambassador Romualdez.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …

NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama …

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …