Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
sharon cuneta gabby concepcion mcdo

TVC nina Sharon at Gabby, naka-10-M views na

ANG lupit! Ito ang karaniwang comment ng fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion bukod sa malupit na TVC ng kanilang McDonald’s commercial. Malupit din ang dami ng naka-view o nanood ng kanilang McDonald’s TVC.

Sa loob ng pitong araw, naka-10-M views na ito kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ni Sharon nang muli niyang i-share sa kanyang Facebook account ang kanilang TVC.

Aniya, “7 days since our McDo TVC came out, you have viewed us 10M Times! Maraming, maraming salamat po sa inyo!!! We love you! #mcdokumustaka #sharongabby2018  #classic #chickenmcdoandfries  #lovenaminto

Dalawampu’t limang taon naman kasi bago muling nagkasama ang ShaGab, ang itinuturing na iconic tandem at isa sa enduring love teams that defined the colorful, idyllic 80’s—na isinakatuparan ng McDonald’s commercial.

Ipinakikita sa TVC, ang pagkain nila ng McDonald’s Best Tasting Chicken McDo at ng World Famous Fries na nagbabalik sa mga manonood sa masasayang nakaraan ng kanilang tambalan na hindi pa rin mapapantayan. Sinamahan pa iyon ng hit song ni Sharon, ang Kumusta Ka na biglang nagkita sa McDonald’s  at dooý in-enjoy ang pagkain muli na magkasama.

Kung ating matatandaan, bago ginawa nina Sharon at Gabby ang commercial, may mga sorpresa ang dalawa sa kani-kanilang fans gamit ang social media. Nariyan ang pagpa-follow nila sa kani-kanilang Instagram, pagpo-post ng throwback photos, at ang pagpapakilig sa fans ng  “this is only the beginning”—kaya naman hindi kataka-takang nakuha nila ang atensiyon ng masa na kahit ang kanilang anak na si KC at iba pang celebrity ay pinag-usapan at kinilig ang kanilang reunion project.

Marami ngang fans ang kinilig at nagpahayag ng kagustuhang sanaý gumawa rin ng pelikula ang dalawa bilang sinimulan na nila ang pagsasama sa commercial.

Sambit nga ng isang netizen, “McDo lang pala ang sagot sa reunion ng Sharon-Gabby!”

At ang sagot naman namin, dahil sa Chicken at Fries, nagsama sina Sharon at Gabby.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …