Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Doktor ‘utak’ sa ambush sa abogado

MASUSING iniimbestigahan ang isang doktor bilang utak sa ambush sa isang abogado sa Quezon City kamakailan, na napatay ang isang suspek na pulis, ayon sa isang opisyal nitong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, hinawakan ni Atty. Arjel Cabatbat, ang target sa ambush, ang isang kaso na nagresulta sa pagkasibak sa trabaho ng naturang doktor, ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, hepe ng Quezon City Police District.

“Mayroon silang (Cabatbat) isang kasamahan na napatay na rin na ang kanilang pinaghihinalaan ay iyong same doctor na napatanggal niya sa trabaho,” aniya.

“Sa ngayon po, iyon ang ating pina-pursue na lead, unless magkaroon tayo ng iba pang development o impormasyon na puwedeng magbigay sa atin ng ibang motibo,” dagdag ng opisyal.

Magugunitang  tatlong lalaking nakamotorsiklo ang nanambang sa SUV ni Cabatbat sa EDSA nitong Martes ng madaling-araw.

Napatay ang isa sa mga suspek na si PO1 Mark Boquela Ayeras makaraan mawalan ng balanse at masagasaan ng SUV.

Habang nahuli ang kasamahan niyang si John Paul Napoles at nakatakas ang isa pa nilang kasabwat na pinaniniwalaang nasugatan.

Samantala, hindi nasaktan ang abogado sa nasabing insidente.

Kaugnay nito, kinompirma ng QCPD na  AWOL o absent without leave ang napatay na pulis.

Tumangging magbigay ng pahayag ang arestadong si Napoles, ayon kay Eleazar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …