WALA tayong kuwestiyon sa katapangan ni dating Customs Commissioner Nick Faeldon.
Ilang beses na niyang ipinakita ‘yan sa publiko.
Matigas ba talaga ang prinsipyo o ulo niya?
Kahit hanggang kamakalawa sa Senado hindi siya umatras sa pakikipag-argumento kay Senator Richard Gordon.
At nanindigan na hindi niya sasagutin ang mga tanong na sa tingin niya ay magdidiin sa kanya.
Pero siyempre kung matigas at maprinsipyo si Capt. Faeldon, mas lalo namang hindi papayag ang mga Senador na natitiyope sila sa kanilang teritoryo.
Kaya hayun, patuloy ang ipinataw na contempt kay Capt. Faeldon pero imbes sa Senado siya ikulong ‘e inilipat sa Pasay City Jail.
Pero mukhang hindi pa rin natitinag si Kapitan. Ibang klase.
Gayonman, nakikisimpatiya po tayo sa sitwasyon ni ex-Customs Commissioner ngayon, dahil malaki ang pagkakaiba ng detensiyon sa Senado kaysa city jail ng Pasay.
Ibang-iba…
Pero alam naman ninyo sa Senado hindi papayag ang mga Senador na hindi sila ang manaig.
Puwede kang makipag-argumento pero hindi ka puwedeng manalo.
Kapag matigas ang ulo, tiyak kalaboso?!
Ang tanong: Hanggang kailan kakayanin ni ex-Commissioner Faeldon ang ipinapataw na contempt sa kanya ng Senado?!
Abangan natin ‘yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap