Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia umamin na pamilya, posibleng mawasak

ANG tindi ng highlight sa seryeng Hanggang Saan ni Sylvia Sanchez. Inamin na ni Sonya (Sylvia Sanchez) ang pinakamalaking bahid mula sa kanyang nakaraan—ang pagpaslang niya sa negosyanteng si Edward Lamoste (Eric Quizon) sa inaaabangang rebelasyon sa Kapamilya Haponserye na Hanggang Saan.

Kaya naman buong tapang niyang inamin sa mga anak niyang sina Paco (Arjo Atayde) at Domeng (Yves Flores) na siya mismo ang pumatay kay Mr. Lamoste, at handa niyang harapin ang kapalit ng kasalanan upang pagdusahan ang ginawang krimen.

Ito na nga ang umpisa ng kalbaryo ni Sonya dahil ang sikretong kanyang Itinago upang mapanatiling buo ang pamilya ang siyang wawasak din.

Habambuhay nga bang pagdurusahan ni Sonya ang kasalanang ito?

Panoorin ang seryeng magpapakita kung hanggang saan ang pagmamahal ng isang ina para sa anak sa Hanggang Saan, tuwing hapon pagkatapos ng Pusong Ligaw.

JUDAY, NAKATITIYAK:
WALANG BAHID
NG PAGKA-BAKLA SI RYAN

MASAYA at matindi ang tawanan nang tanungin si Judy Ann Santos kung umibig na ba ito sa bading sa presscon ng pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes na showing sa January 17.

“Wala,” mabilis niyang sagot na  sabay tawa.

“Wala…wala at all,” sey pa niya.

Nagpalakpakan at nagtawanan ang movie press pati ang mga na nasa balcony ng Dolphy Theater.

“Baka..mas kami pa ang pinagnasaan,” lahad ni Juday.

Tinanong din si Juday kung paano kung madiskubre niyang bading ang mister niyang si Ryan Agoncillo?

“Parang matitigalgal muna ako ng mga three days bago ako magsimulang maghalungkat ng mga ebidensiya

“Kasi sa realidad, parang totoo ba ito? Tatanungin mo ang sarili mo na totoo ba ito o nasa teleserye ba ako? Panaginip lang ba ito?

“Kung sa totoong buhay siyang mangyayari, ipa-punchline mo rin naman talaga ang sarili mo kasi there’s really  no way out doon sa sitwasyon mo. Bago ka makawala, masasaktan ka muna,” lahad pa ng young superstar.

So, wala kang nakikitang bahid kay Ryan?

“Walang-wala. Thanks God,” pakli pa niya na tumatawa.

Anyway, ang heartwarming at laugh-out-loud dramedy na Ang Dalawang Mrs. Reyes ay sa ilalim  ng direksiyon ni Jun Robles Lana. Ang pelikulang ito ay tungkol sa infidelity. Tampok din sa Ang Dalawang Mrs. Reyes sinaJoross Gamboa at JC De Vera. Ipalalabas ang Ang Dalawang Mrs. Reyes sa mga sinehan sa buong bansa simula sa Enero 17.

TALBOG!
ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …