HINDI na kailangang ianunsiyo o aminin nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang kanilang relasyon dahil si Sharon Cuneta na mismo ang umamin sa ginanap na presscon ng Unexpectedly Yours na ginanap sa Dolphy Theater noong Sabado na ikinagulat ng mga imbitadong entertainment press at supporters ng bawat artistang kasama sa pelikula.
Bagamat duda na rin naman ng lahat na may ‘relasyon’ na ang JoshLia, iba pa rin siyempre kapag may pormal na pag-amin.
At maski hindi ito inamin ng dalawa ay wala na silang magawa kaya panay na lang ang ngiti ni Joshua at si Julia ay kunwaring nagpapaka-seryoso at sabay sabing, ”kung puwede lang mag-share rin ng” na hindi na itinuloy ng batang aktres dahil umiral pa rin ang respeto nito sa nakatatanda sa kanya.
Naikuwento kasi ni Sharon na natutuwa siyang panoorin ang JoshLia sa set.
Aniya, ”when I see Julia and Josh on the set, they’re so cute together, they’re always made my day when I went on shooting kahit pagod kami, nakatutuwa silang panoorin kaya minsan (nagbubulungan kami), ‘tingnan mo, tingnan mo ‘yung dalawa’ nakatutuwa sila.”
Dagdag din ni Robin Padilla, ”araw-araw kay Joshua ako kumukuha ng energy, buhay na buhay ‘tong batang ito, eh. ‘Yung pag-ibig niya kay Yanni (Julia) ha, hindi ko alam ang istorya n’yo, eh, pero roon sa shooting namin, katulad ng sinabi ni Ma’am (Sharon), masarap silang (panoorin) kasi nakakabata sila. Maraming alaalang tumatakbo sa isip ko.”
Sa tanong kung posibleng ma-in love ang dalawang millennials sa pamamagitan ng online ay ‘um-oo’ si Joshua pero si Julia ay hindi.
Hirit ni Sharon, ”ang nakatutuwa, during breaks, short breaks, long breaks alam na natin kung paano nagligawan ito (sila), ay basta, ha, ha, ha. Oh my God! Alam n’yo, hindi ko akalain at this age, kikiligin ako, ha, ha, ha.”
Sabi naman ni Julia, ”kanina mo pa kami ibinubuking.”
“Obvious naman! Alangan namang nakikipag-holding hands ka sa ‘di mo kaano-ano. Buti na ‘yung alam nilang boyfriend mo ‘yan,” hiyawan ang lahat ng nasa Dolphy Theater.
Tumatawa pang dagdag ng Megastar, ”mahal na mahal nila ang isa’t isa, grabe! Ang tawag ko riyan, B1- B2, Baba 1, Baba 2. Kasi, ‘yun ang tawagan nila, ‘Baba-Baba’ kaya kapag nakikita ko isa sa kanila, ‘oh, where’s your baba, ha, ha, ha.’ Mga mahal ko ‘tong mga ‘to, ‘I love you’.”
Hindi naman malaman nina Joshua at Julia kung ano pa ang ire-react nila kundi tumawa at magbulungan ng magbulungan na siguro sabi nila sa isa’t isa, ”lagot alam na ng lahat.”
Pero sumimple pa rin ng hirit sina Josh at Julia nang hingan sila ng komento sa pagpuri sa kanila nina Robin at Sharon bilang katrabaho.
“Alam na namin kung kinikilig ‘yan (Sharon), naku, naku, naku!”
Tumatawang sabi ni Shawie,” kinikilig ako sa inyo ni Josh!”
Hirit ng batang aktres,” naku, parang hindi!”
“Huhubaran kita rito!” birong sabi ng Megastar at sabay hingi ng sorry ni Julia, ”okay quiet na nga ako. Kasi kanina mo pa kami ibinubuking, ikaw kaya ibuking namin.”
Hirit naman ni Joshua, ”ang daming natutuhan talaga (kina Robin at Sharon), kung paano ‘yung tamang lambingan, kung ano ‘yung tamang halik! (hiyawan ulit ang lahat ng nasa venue).”
“Tong mga batang ‘to,” tanging nasabi ni Binoe.
Kung hindi lang siguro nagpipigil ang JoshLia ay malamang na mas marami silang ibubuking sa mga nangyari sa set ngUnexpectedly Yours na idinirehe ni Cathy Garcia-Molina mula sa script ni Vanessa Valdez na mapapanood na sa Nobyembre 29 handog ng Starcinema.
SYLVIA, AYAW
NG MAY BIDA
AT SUPPORTING
NATANIM sa isipan ni Sylvia Sanchez ang mga naranasan niya noong bagong artista siya hanggang sa sumusuporta siya sa mga bida.
Sa nakaraang launching ng bagong teleseryeng Hanggang Saan na mapapanood na ngayong hapon pagkatapos ng Pusong Ligaw ay naglabas ng saloobin ang aktres.
Aniya, ”gusto ko kasi sa bawat show ko, walang bida, walang supporting isang pamilya tayo, kailangan unsummed tayo. Kailangan kapag umangat ang isa, aangat ang lahat. Ito parati ang sinasabi ko sa lahat ng co-actors ko.
“Ayokong solohin itong ‘Hanggang Saan’, gusto ko umangat lahat ang co-actors namin ni Arjo kasi hindi koi to magagawa kung wala sila and gusto ko ring ibalik ang papuri na iyon sa GMO (Ginny Monteagudo-Ocampo) unit kasi sila ganoon din, lahat bida.
”Siguro kasi ganoong klase akong tao, ganoon ako pinalaki ng nanay ko. Ugali ko na ‘yun na para akong mother hen na kapag kaibigan ko, poprotektahan ko lahat, pero gusto kong maging honest.
“Hindi ko kasi ito naranasan noong bago ako. Iba ang naranasan ko noong supporting lang ako. Marami akong naranasang masasakit sa co-actors ko.
“Kaya pangako ko sa sarili ko, kung halimbawang maging bida ako isang araw, sisiguraduhin kong lahat magiging close ko, lahat pagkakaisahin ko, kahit sa acting unsummed kami, hindi ako magpapakabida kasi ayaw ko ‘yung ginawa sa akin noon at naranasan ko, eh, maranasan din ng ibang nakatrabaho ko.
“At saka hindi ako nagiging masaya na angat ako tapos ‘yung iba hindi, ayaw ko niyon, gusto ko sabay tayong umangat lahat, ‘yun ang nakuha ko sa nanay ko.
“Kaya bilang si Sonya rito sa ‘Hanggang Saan’, ako ang bida, yes masarap pakinggan, pero ayaw ko, kasi hindi ko kayang mag-isa kung wala ang co-actors ko.”
Lingid kay Ibyang ay nagpapakuwento rin kami sa mga nakatrabaho niya sa mga pelikula at teleserye simula noong pasukin niya ang showbiz at iisa ang sinasabi ng lahat, ”marunong makisama, mataray tingnan, diretso magsalita, pero mabait. Hindi madamot at laging may handaan sa set.”
Sa lahat ng binanggit sa amin ay totoo lahat iyon dahil nasaksihan na namin ito at maski na hindi pa sikat noon si Ibyang at wala pang malaking kita ay talagang nagsi-share na siya at alam ito ng mga unang nakakilalang press sa kanya.
Pagpapatunay din na pamilya ang turing ni Ibyang sa co-actors niya ay iniimbitahan niya ito sa bahay nila o isinasama sa mga lakad ng pamilya kasi nga gusto niyang makilala nang husto.
At isa lang sa kanila si Joshua Garcia na naging apo ni Ibyang sa The Greatest Love na itinuring niyang miyembro ng pamilya Atayde.
YVES, ITINURING
DING TUNAY NA ANAK
Kaya natanong din ang aktres kung ano ang masasabi niya kay Yves Flores na gaganap namang anak niya sa Hanggang Saankasama ang tunay niyang anak na si Arjo Atayde.
“Si Yves ngayon ko lang siya makakatrabaho at promise ko sa sarili ko kung ano ‘yung pagmamahal na ibinigay ko kay Joshua sa ‘TGL’ ay gagawin ko rin kay Yves like first day, sinabihan ko siya, ‘Yves anak kita rito kaya kailangan mong maging close sa akin, kailangan natin maging open. Kaya sa set, itinuturing ko siyang anak.
“At si Joshua, nakikita ko kay Yves na later on, aangat siya rito parang si Joshua, maniwala kayo, magaling si Yves.
“At gagawin ko rin kay Sue (Ramirez), of course si Teresa (Loyzaga) magkaibigan kami at si Ariel (Rivera). Gusto ko umangat sila hindi lang ako o bilang si Sonya dahil hindi ako magiging maligaya,” pahayag ni Sylvia.
Ang dating timeslot ng TGL ang magiging timeslot ng Hanggang Saan kaya biro namin sa aktres na mukhang inilaan na talaga para sa kanya ang oras na iyon.
“Baka suwerte ko kasi ang oras na iyon. Wala namang artistang may-ari ng timeslot. Iyon ang desisyon ng management na ibalik ako sa ganoong oras. Pang after lunch ako, ha, ha, ha, hindi pang-primetime.
“At saka wala namang nakaaalam na magki-click noong ilagay sa ganoong oras ang ‘The Greatest Love’. Suntok sa buwan nga iyon,” katwiran sa amin.
Ang Hanggang Saan ay mula sa direksiyon nina Mervyn Brondial at Jeffrey Jeturian mula sa GMO unit. Ang buong cast ay sina Sylvia (Sonya), Arjo (Paco), Sue (Anna), Maris Racal (Vanessa), Yves (Domeng), Teresa Loyzaga (Jean), Ariel Rivera(Jacob), Marlo Mortel (Unyo), Sharmaine Suarez (Mabel), Nikko Natividad (Samboy), Mercedes Cabral (Carolina), Junjun Quintana (Roman), Anna Luna (Rizalina), Rubi-Rubi (Pinky), Jenny Miller (Katrina), Rommel Padilla (Jojo), Arnold Reyes(Gabriel), Viveika Ravanes (Cora), Ces Quesada (Letty), Nanding Josef (Asyong), Maila Gumila (Lorna), at special participation sina Luke Alford (batang Paco) at Eric Quizon (Edward Lamoste, ama ni Sue).
POLITICS ISN’T
IN MY BRAIN
RIGHT NOW — KRIS
(sa mga fakenews)
HINDI pa rin talaga tinatantanan ng mga may ayaw kay Kris Aquino dahil kung ano-anong lumalabas na balita tungkol sa kanya na pinaniniwalaan naman yata ng mga nakakabasa.
May fake news kasing kumalakat na nagpa-interview si Kris sa Tonight With Boy Abunda at inamin nitong tatakbo siyang Senador sa susunod na eleksiyon bagay na imposible dahil simula noong nawala ang Queen of All Media sa ABS-CBN ay hindi pa namin nabalitaang tumuntong siya sa Kapamilya Network.
Ayon sa panayam daw ni Kris sa King of Talk, ‘siguro masyado lang akong nacha-challenge, I’m not sure yet but just in case she pursue her candidacy, if Mocha can do it, why can’t I, ‘di ba? I will do my best to beat her, at least in the Senate race.’
Nilinaw naman ni Kris sa nasabing panayam kay Boy.
”These will be two posts, so let’s get the bad or in this case #fakenews over with. I have NEVER been interviewed by Boy Abunda in recent memory, at least not in the past quarter, not in his show & not for print or any other medium.
“Our last communication was two months ago when he was turning over a few more endorsement details to my current management team. Kung sino man po ang nagsulat nito if you will choose to invent quotes from me— GALINGAN N’YO NAMAN. I am a stickler for correct grammar and subject-verb agreement: it isn’t IN CASE SHE PURSUE HER CANDIDACY, I need to correct you: it is IN CASE SHE PURSUES HER CANDIDACY.
“I know I am weird, hindi ako sa subject matter nairita, nabuwisit ako na wrong grammatical quote ang na-attribute sa ‘kin. That being said, whoever you are, Jhun & to the media team doing this you do have my GRATITUDE. Because in the online world, Ms. Uson is a ‘unicorn.’ And I am a newbie. Yet you have elevated me by this comparison to her status. #Bongga.”
“To put it in very relatable fashion terms, she is already Miuccia Prada, while I am just Alessandro Michele, the relatively new creative director of GUCCI, who was tasked since Fall Winter 2015/16 to breathe new life to a weakened brand. Regarding political plans sa nagkakalat ng FAKE NA BALITA while we still live in a DEMOCRACY & while I just remitted an online VAT payment for October 2017 of P2,164,429.67 — let me just continue working in peace?”
Ilang beses na naming nasulat na walang plano si Kris na pasukin ang politika kahit na maraming beses na siyang inalok kaya muli niyang inulit.
“Politics isn’t in my brain right now, sa kakagawa n’yo ng ganitong balita baka in the end mapilitan akong bilhin from Culture Club ang rights to their song KARMA CHAMELEON as my campaign jingle.
“’Pag natuto nang maging simple & hindi gastadora, so maybe by 2022??? 50 na ‘ko turning 51 then.
“My October 2017 take home pay was in the vicinity of P18M, so really I’m supposed to validate your opinion that my time is up? Even the BIR will disagree with you because an irrelevant person doesn’t bring home that paycheck. (To everybody else forgive me for not exercising humility — BUT I didn’t steal that money & you all know how hard I worked to get back to where I am.”
Kaya sa mga nagkakalat ng maling balita o fake news kay Kris Aquino ay magdalawang isip muna dahil tiyak na hindi niya ito palalampasin, unless nagpapapansin kayo talaga.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan