Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, ‘di panganay na anak ni Ibyang

Anyway, sa guesting ni Ibyang sa Magandang Buhay kahapon (Lunes) ay binuksan na niya sa publiko na hindi si Arjo Atayde ang panganay niya kundi si Pia na madalas din niyang banggitin.

Ang paliwanag ng aktres sa MB (Magandang Buhay), “baka kasi marami ang nagtatanong, ‘yun ‘yung panganay ko before Arjo. Pero si Pia kasi iba ang tatay niyon.

“Marami sa Instagram ang nagtatanong bakit hindi namin nakikita ‘yung Pia. Ayaw kong sagutin kasi ang habang explanation.

“Akin ‘yon, kung ano ang nangyari sa buhay namin. Kasi once mag-explain ka sa umpisa, tapos iba-bash ka, tapos hahaba. Huwag niyong kuwestiyonin ang pagka-nanay ko kasi alam ko, ako ‘yon. What’s important is me and my God, hindi ako at ang ibang tao,” paliwanag ng aktres.

Inamin ding 17 years old si Ibyang noong isilang niya si Pia na ngayon ay 28 years old na.

PG RATING NG ‘NAY,
IKINATUWA NI SYLVIA

SA siyam na entries ng Cinema One Originals, ang pelikulang ‘Nay nina Sylvia Sanchez, Jameson Blake, at Enchong Dee ang pinaka-maingay bukod pa sa curious ang mga tao kung bakit duguan ang tatlo sa pelikula.

Kaya naman 11:30 a.m. palang ng umaga kahapon ay sold out na ang tickets sa ginanap na Gala Premiere ng ‘Nay kagabi sa Trinoma Mall na dinaluhan ng mga bida.

Kaya naman ang saya-saya ni Sylvia dahil bukod sa sold-out ang tickets ay binigyan pa ng Parental Guidance o PG rating ng MTRCB ang ‘Nay na produced ng Cinema One Originals kaya puwede itong mapanood ng mga bagets basta’t kasama ang magulang nila.

“Pamilya kasi ang tema ng ‘Nay, maski na aswang ako, may puso dahil hindi ko pinatay ang alaga kong si Enchong kasi mahal na mahal ko siya. Ibang klaseng pagka-nanay ang role ko rito. Kaya siguro ‘yun ang nakita ng MTRCB, may puso ang kuwento ng ‘Nay,” pakiwari ni Ibyang.

Ang ‘Nay na idinirehe ni Kip Oebanda ay kasama sa siyam na pelikula sa Cinema One Originals Film Festival na mapapanood simula ngayong araw, Nobyembre 13 hanggang 22.

Mananalo kaya ulit ng award si Ibyang bilang aswang sa ‘Nay?

“Sana, pero ayaw kong umasa, kung ibigay maraming salamat, kung hindi, okay lang din, at least napasama ako sa Cinema One Film Festival, first time ko, eh,” sagot sa amin.

Samantala, ilang buwan ng tapos ang The Greatest Love ay heto at hindi pa rin natatapos na tumanggap ng Best Actress award si Ibyang dahil sa nakaraang 31st PMPC Star Awards for Television ay siya ang itinanghal na pinakamagaling na artistang babae sa drama series.

FACT SHEET
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …