Saturday , December 28 2024

Kailan titino ang transport system ng bansa

AABUTIN siguro ng sandaang taon kung hindi man im-posibleng marating ng Filipinas ang kinalalagyan ngayon ng Hong Kong sa maraming bagay, partikular sa isyu ng public transport.

Ayon sa pinakahuling ulat, nanguna ang HK sa mga bansa ‘di lang sa Asya kundi sa buong mundo na may pinakamaayos na transport system.

Ito ay ibinase sa 23 indicators kabilang nga kung gaano kaligtas ang mga pasahero, access sa mga sasakyan, environment friendly, affordability at marami pang iba. Mga bagay na malayong-malayo sa sitwasyon ng ating transport system. 

Wala sa kalingkingan ng HK ang lagay ng sistema ng transportasyon natin dito — na araw-araw ay tumitirik ang MRT, pahirapan sa access ng mga bus mapa-probinsiya o city man, bulok ang mga jeep bukod sa hindi ito passenger at environment-friendly, hindi rin ganoon kaligtas ang mga kalsada, at marami pang iba.

Ang programa ng pamahalaan na isinusulong ngayon para maging modernisado ang mga jeep ay hindi pa rin matanggap ng maraming driver at operators. Hindi pa rin masolusyonan ang araw-araw na pagkasira ng tren ng MRT, habang ningas-cogon ang ginagawang paglilinis laban sa mga colorum, at napakarami pa ring mga driver ng pampublikong sasakyan ang walang di-siplina. Sa kabilang banda, maraming mga pasahero ang wala rin disiplina.

Malayong-malayo pa bago natin maabot ang estado gaya ng Hong Kong lalo kung hindi bibigyang aksiyon ng pamahalaan ang maraming isyung bumabalot sa transport system ng bansa.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *