Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liwasang Gat Andres igalang

SA wakas, umaliwalas na rin ang Liwasang Bonifacio sa harap ng gusali ng Philippine Postal Corporation sa Ermita, Maynila.

Mahabang panahon, halos dalawang dekada na pinamugaran ng illegal parking ang LB, tawag ng mga aktibista sa Liwasang Bonifacio.

Ang LB ay mahalagang ‘palatandaan o marka’ sa kasaysayan ng Filipinas lalo sa panahong maalab ang simbuyo ng protesta laban sa panunupil.

NAGDIWANG maging ang madudungis na bata sa harap ng Philpost building sa Ermita, Maynila na tuwang-tuwang nagsisipaglaro matapos galit na ipasara ni Manila Metropolitan Development Authority (MMDA) Chairman Danny Lim (insert) ang ilegal na terminal ng mga kolorum na UV Express at ang mga ilegal na vendor na nagtitinda sa paligid ng Philippine Postal Office. Habang ipinakikita ng isang UV Express driver ang sticker na nagsisilbing ‘passes’ nila para makagarahe sa Liwasang Bonifacio. (Bong Son)

Kaya naman itinuturing na kalapastanganan sa alaala ni Gat Andres Bonifacio ang pamugaran ito ng mga ilegalista.

Kaya nang mawalis ng grupo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danny Lim ang illegal terminal sa LB, walang katumbas na pagpupugay ang ibinigay niya kay Gat Andres.

Sana’y magtuloy-tuloy na ito at huwag nang pamugaran ng mga ilegal na gawain na ikinakanlong ng ilang gov’t officials.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …