Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
President Benigno Simeon Aquino III delivers his 2nd State of the Nation Address (SONA) during the joint Senate and House session of Congress at the Plenary Hall, House of Representatives Complex, Constitution Hills, Quezon City Monday July 25, 2011. In the photo are Senate President Juan Ponce Enrile and House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. (Photo by: Robert Vinas/ Malacanang Photo Bureau).

Alvarez umaray sa batikos

PUMALAG si House Speaker Pantaleon Alvarez makaraan tawagin ng kampo ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na kangaroo court ang Kamara kaugnay sa pagdinig ng impeachment complaint ng House Committee on Justice.

Paliwanag ni Alvarez, “unfair” din ang pagtawag na lutong-Macau ang proseso ng impeachment complaint laban kay Sereno gayong hindi pa nagsisimula ang pagdinig ng komite para determinahin ang probable cause.

Resbak ni Speaker, mahina ang depensa ni Sereno kung kaya dinadaan nila sa propaganda ang usapin.

Kapag nakompleto na ang proseso sa Kamara ay saka ito iaakyat sa Senado sa pamamagitan ng “article of impeachment.”

“Hindi pa tayo nag-uumpisa. Huhusgahan na agad nila ng lutong-Macau, para bang… alam ninyo kapag mahina ‘yong depensa mo, ay ikino-condition mo ‘yong utak ng tao,” arya ni Alvarez.

Hamon ngayon ni Alvarez kay Sereno, dumalo sa pagdinig ng House Committee on Justice upang makompronta ang mga nag-aakusa sa kanya gaya ni Atty. Larry Gadon na siyang naghain ng impeachment complaint.

(JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …