Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Star tatapusin ng Bolts

TATAPUSIN na ng Meralco Bolts ang misyong pagbalik sa Finals ng PBA Governors Cup at isasakatuparan na nila ito sa pamamagitan ng pagtudla ng panalo kontra sa Star Hotshots sa Game Three ng kanilang best-of-five semifinals series mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Nakakalamang ang Bolts sa serye, 2-0 matapos na magwagi sa unang dalawang laro.

Nakabakik sila sa 17 puntos na kalamangan ng Hotshots sa simula ng Game One upang manalo, 72-66 noong Linggo.

At noong Martes ay hindi na nila hinayaang makaarangkada ang kalaban upang makaulit sa mas convincing na paraan, 98-74.
Kung muli silang mamamayani mamaya ay tutulak na sila sa best-of-seven championship round kontra sa magwawagi sa kabilang serye sa pagitan ng TNT Katropa at defending titlist Barangay Ginebra.

Magugunitang nakatapat ng Bolts ang Gin Kings sa Finals noong nakaraang taon subalit natalo, 4-2.

Umaasa si coach Norman Black na magdidiretso ang Meralco hanggang sa masungkit ang kauna-unahan nitong kampeonato.

Ang Bolts ay sumasandig sa reigning Best Import na si Allen Durham na sinusuportahan nina Cliff Hodge, Jared Dilinger, Chris Newsome, Baser Amer, Ranidel de Ocampo  at Reynell Hugnatan.

Kahit pa natalo sa unang dalawang games ay naniniwala si Star coach Chito Victolero na kaya pa nilang isalba ang sitwasyon at magwagi ng tatlong sunod.

Subalit mawawalan ng isang piyesa ang Hotshots dahil sa malamang na hindi makapaglaro si Paul Lee na nagtamo ng injury.
Ang Star ay pipiliting buhatin nina Kristoffer Acox, Marc Pingris, Mark Barroca, Ian Sangalang at Jio Jalalon.

ni Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …