Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

No to e-jeep — transport group (Transport strike umarangkada)

NAHIRAPANG sumakay ang mga pasahero sa iba’t ibang siyudad ng Luzon sa pagsisimula nitong Lunes ng dalawang araw na tigil-pasada ng ilang transport group.

Sa pangunguna ng transport group Stop and Go Coalition, tinuligsa ng protesta ang plano ng gobyerno na palitan ng makabago ngunit mas mahal na unit ang mga jeepney na 15 taon nang pumapasada.

Nagkakahalaga ang mga electric jeep ng P1.6 milyon. Kahit may alok na P80,000 subsidy ang pamahalaan, kakailanganin magbayad ng mga driver ng P800 kada araw sa loob ng pitong taon para mabili ito, ayon kay Stop and Go head Jun Magno.

Malabo aniyang mabuno ito ng mga driver na kasalukuyang nagbabayad ng P600 boundary at kumikita ng P200 hanggang P300.

Lumahok sa protesta laban sa jeepney modernization ang mga miyembro ng Stop and Go sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.

Sa Commonwealth sa Quezon City, hindi naiwasan ng ilang commuter na mag-agawan sa iilang jeepney na pumasada bago ang transport strike.

Pinili ng ilang pasahero sa Monumento na sumakay sa Light Rail Transit kaysa magbakasali sa paghihintay ng jeep at ma-stranded sa lansangan.

Nagpakalat ng 70 bus ang gobyerno para mag-alok ng sakay sa mga pasahero, ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) board member Aileen Lizada.

Pumasada ang naturang bus sa UP Technohub at Camp Aguinaldo sa Quezon City, Monumento sa Caloocan, SM Marikina, Luneta parade ground sa Maynila, Macapagal Avenue sa Pasay, at MMDA parking lot sa Makati.

Samantala, pinabulaanan ni Lizada na hindi kakayanin ng bulsa ng mga driver ang modernization plan.

Aniya, kikita nang mas malaki ang mga driver gamit ang mga e-jeepney dahil kaya nitong magsakay nang hanggang 32 pasahero at mangangailangan ng mas maliit na maintenance cost.

Bukod dito, mas magiginhawaan aniya ang mga pasahero sa makabagong jeepney na air-conditioned, may ligtas na babaan at sakayan sa tagiliran, at akma sa pangangailangan ng persons with disabilities.

Pinaalalahanan din ni Lizada ang mga driver na labag sa batas ang pagsasagawa ng tigil-pasada.

“Bawal gamitin ang prangkisa, you do not use it as a kind of protest against government. You are not allowed to stop operations. Ang penalty po nito ay cancellation or suspension of your franchise,” babala niya.

Itutuloy ng Stop and Go ang kanilang strike ngayong Martes kung mabibigong makausap si Pangulong Rodrigo Duterte.



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …