Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

DFA pinabilis aplikasyon ng pasaporte (Renewal at bago)

MATAPOS magbukas ng libo-libong appointment slots sa publiko, pinadali ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang passport application sa pamamagitan ng pagsasaayos ng appointment system.

Inayos ng DFA ang disenyo ng online appointment system para sa isang tingin ay makikita ng aplikante ang mga bakanteng petsa kung kailan siya puwedeng mag-apply o mag-renew ng pasaporte.

“Ngayon, hindi na nila kailangan i-click pa ang lahat ng petsa para lang malaman na ang susunod na appointment ay aabutin pa ng dalawang buwan,” wika ni DFA Office of Consular Affairs Executive Director Angelica Escalona.

“Kung bibisitahin mo ang ating appointment website, ang mga petsa na kulay pula ay pawang may naka-book na, samantala, ang mga petsa na kulay berde ay pawang mga bakante,” dagdag pa ni Escalona.

Ang appointment system ay dinagdagan din ng feedback mechanism na nagsasabi sa aplikante kung mayroong problema sa kanyang aplikasyon at kung ano ang dapat niyang gawin upang malutas agad ito.

“Noon kasi walang feedback mechanism, kaya malalaman lamang ng aplikante ang problema sa kanyang aplikasyon — kagaya ng discrepancies o pagkakaiba sa impormasyon o dokumentong isinumite — sa takdang araw mismo nang pagkuha niya ng pasaporte. Ang resulta ay babalik siya para magsumite ng impormasyon o dokumento at muli para kunin ang pasaporte,” paliwanag ni Escalona.

Sa bagong ipinatutupad na feedback mechanism, wika ni Escalona, ang aplikante ay makatatanggap ng
e-mail na nagsasaad ng angkop na feedback mula sa DFA.

Ang feedback ay ipinapadala sa aplikante 48 hours o dalawang araw matapos ang pagsusuri sa papeles ng aplikante.

“Sa ganitong paraan, ang aplikante ay magkakaroon ng sapat na panahon upang maayos niya ang kakulangan o discrepancy sa kanyang papeles at hindi na magpapabalik-balik pa,” dagdag ni Escalona.

Ipinapaalala rin ng appointment system na kung ang aplikante ay senior citizen, person with disability (PWD) o may kapansanan, buntis, solo parent, batang nasa edad na pito at pababa, o overseas Filipino worker (OFW), hindi na niya kailangan kumuha ng appointment.

Bagkus ay puwede siyang mag-walk-in at gumamit ng courtesy lane. Kailangan niyang ipakita ang kanyang ID.

Paliwanag ni Escalona, kahit nakasaad sa DFA website ang mga puwedeng gumamit ng courtesy lane, marami pa rin sa kanila ang dumaraan sa appointment system, kaya minabuti ng DFA na paalalahanan silang gamitin ang kanilang pribilehiyo.

Ilan sa mga ipinatupad na agresibong pagbabago sa DFA ang pagsawata sa fixers na hindi pinapayagang pumasok sa DFA at gumamit ng online appointment system.

Nakikipagtulungan ang DFA sa National Bureau of Investigation – Cybercrime Division upang mahuli ang mga fixer na nagsasamantala sa mga aplikante.

Sa Aseana, ang pangunahing opisina ng DFA sa passport processing, nagtalaga ng mga roving staff members upang tumugon sa mga tanong ng aplikante o magbigay ng agarang tulong sa loob ng pasilidad.

Dagdag ni Escalona, mababawasan ang init habang naghihintay sa kanilang opisina sa Aseana dahil nagdagdag na rin ng tents at electric fans sa lugar.

Mayroon din water stations na puwedeng pagkuhaan ng mga aplikante ng malamig na inuming tubig.

“Meron pa ngang candies para sa sino mang aplikante,” saad ng Executive Director. “Ang mga pagbabagong ito ay ginagawa namin upang maibigay sa tao ang serbisyong karapat-dapat para sa kanila.

“Simula pa lamang ito. Marami pa kaming gustong ipatupad upang maging mas mabilis, maginhawa at maayos ang pagkuha ng pasaporte hindi lamang sa Aseana kundi sa lahat ng satellite offices, consular offices at foreign posts ng DFA,” pagtatapos ni Escalona.


Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …