Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel at Arce, walang label, pero nagsasabihan ng ‘I love you’

Samantala, nakatsikahan namin si Angel pagkatapos ng Q and A at inamin niyang masaya siya sa pagbabalik niya sa telebisyon dahil matagal na rin siyang walang programa.

“Masaya kasi karamihan naman ay natutuwa at ‘yung iba hindi wala namang violent reactions at kung may concerned sila, walang direkta sa akin. Siyempre sa bida concerned sila, tulungan tayo rito, wala namang ipapasok ang management na hindi makatutulong sa show at makikinabang din pati ang KathNiel. At saka very nice sa akin ang KathNiel, super pasalamat nga sa akin sila noong pilot kaya natuwa ako sa kanila kasi marunong silang magpasalamat hindi ko inaasahang magte-thank you sila sa akin kaya natuwa ako alam nila ‘yung mga taong tumutulong sa show nila,” kuwento ni Angel. Natanong ang tungkol sa health niya kung okay na dahil ito nga ang naging dahilan kaya hindi siya natuloy sa Darna movie project dahil binawalan siya ng doktor.

“Okay naman ngayon, hindi naman siya umaarte, nakapagpahinga ako so okay naman,” kaswal na sagot ng aktres.

Tinanong namin kung kumusta ang relasyon nila ni Neil Arce at kung sila na?

“Okay naman kami, tina-try namin ‘yung parang kami pero hindi, magulo ba? Ako rin naguluhan, eh,” natawang sabi ni Angel.

“Ano ba dapat, hindi ko rin ma-explain, pero parang ganoon. ‘Pag lumalabas kami hindi naman kami nagtatago, so parang ganoon, siguro label na lang ang wala kasi hindi naman niya ako tinanong, hindi rin naman ako sumasagot ng oo. Hindi rin kami nagdi-date ng iba, he’s very nice, napakabait at matalino,” esplika ng dalaga.

Diretsong tanong naming kung nagsasabihan sila ng ‘I Love You.’

“May nag-a- I love you, maraming beses na nag-I love you,” say nito.

Eh, si Angel, nagsabi rin ng I love you kay Neil? ”Oo, pero ‘yun nga walang label. Kung mayroong makapag-explain, tawagan n’yo ako,”natawang sabi ulit ng dalaga.

Hirit namin, ‘eh di kayo na nga,’ sangga niya, ”Ang alam ko kasi kapag kami na, may oo at anniversary date, eh, wala naman. Baka sabihin naman asyumera ako.”

Paliwanag ng dalaga na sobrang ingat lang sila ni Neil sa relasyon nila dahil kapag nag-away sila ay wala silang ibang makakausap unlike before na kapag nagka-problema sa relasyon ay sila ang nag-uusap dahil nga eight years silang magkaibigan. Inamin ding inspirado ang aktres dahil suportado siya ng binata at magaling mag-advice sa kanya.

At dahil may taping si Angel ng LLS na umere rin kagabi pagkatapos ng presscon ay kaagad na siyang ipinagpaalam ng staff ng Star Creatives.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …