Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, pagod at walang tulog, sunod-sunod kasi ang projects

SOBRANG busy ngayon ni Sylvia Sanchez dahil lagare siya sa dalawang serye, ang La Luna Sangre at ang pagsasamadhan nila ng anak niyang si Arjo Atayde at ni Yves Flores mula sa GMO (Ginny M. Ocampo) unit na wala pang titulo dahil wala pang final decision ang ABS-CBN management.

Noong Sabado ay nag-shoot na ng indie film na ‘Nay ang aktres kasama sina Hashtag Jameson Blake at Enchong Dee mula sa Cinema One Originals at siKip Oebanda ang direkor na sikat ngayon dahil sa Bar Boys na nasa top 3 sa nakaraang Pista ng Pelikulang Pilipino.

Nitong weekend din ay nagkaroon ng story con at look test para sa pelikula ni Ibyang (tawag kay Sylvia) sa Regal Films kasama sina Diego Loyzaga at Sofia Andres na may working title na Mamas’ Girl mula sa direksiyon ni Connie Macatuno at si Gina Tagasa ang namahala sa script.

Matagal ng direktora ng maraming shows si Connie sa ABS-CBN at iba pang TV network, pero ang unforgettable film na idinirehe niya ay ang Rome and Juliet ninaMylene de Leon at Andrea del Rosario for Cinemalaya 2006.

Going back to Ibyang, hiningan namin siya ng gist ng Mama’s Girl pero sinagot kami ng aktres ng, ”bawal pa, hindi pa puwedeng ilabas.”

Tinanong na lang namin kung kumusta sina Diego at Sofia at kung sweet sila o civil lang.

“Ay wala akong alam sa kanila (Sofia at Diego),” kaswal na sabi sa amin.

Umamin kasi si Diego sa kaibigan niyang si Maris Racal na bigla na lang nawala sila ni Sofia.

Anyway, maski pagod at walang tulog ay looking forward si Ibyang sa lahat ng projects niya dahil, ”ang dami kong blessings, okay ‘yan kasi malapit na naman ang December ha, ha, ha,” natawa nitong sabi. Oo nga, panahon ng gastusan.

At hindi lang iyon, may bagong project ulit si Ibyang na nakita naming ipinost niya na may contract signing siya na ayaw niyang banggitin kung ano dahil bawal din pero ang IG post niya, ”#happines!! New blessing! #animation #newseries #barangay143soon.”

Curious talaga kami sa animation project na ito.

DIEGO AT SOFIA,
NAGKA-AYOS NA
BILANG
MAGKAIBIGAN
NA LANG

SPEAKING of Diego Loyzaga at Sofia Andres, mukhang nagkasundo na lang silang Friends dahil base sa tsika sa amin, in speaking terms na sila sa set ngPusong Ligaw na rati’y deadmahan talaga o kaya nag-uusap lang kapag may eksena sila.

Marahil ay nag-usap na unahin muna nila ang careers nila lalo’t pareho naman silang struggling pa. Aminin nila Ateng Maricris hindi pa stable ang career nila dahil wala pa naman silang hit movie. Naunahan na nga sila nina Maymay Entrataat Edward Barber plus Kisses Delavin at Marco Gallo sa Loving in Tandem na ipalalabas na sa Setyembre 13.

Going back to Diego, binati naman niya ang lady love niya sa nakaraang kaarawan nito na ipinost niya sa kanyang IG account, ”Happy Birthday to this pabebe (but not so baby anymore) young lady. One more year wala ka nang “teen”. Halaaaaa! I wish for you only good things…I’m grateful for all the memories and opportunities we’ve shared together and excited to see what the future holds for us both. Always remember, andito lang ako para sayo, @iamsofiaandres”

Hayan, klarong-klaro nga na wala na sila at hoping na lang sila kung sila pa rin in the future.

Anyway, base sa tumatakbong kuwento ngayon ng Pusong Ligaw ay alam na ni Potpot (Diego) na napulot lang siya ng mga kinikilala niyang magulang na sinaSmokey Manaloto at Almira Muhlach.

Hindi magawang magalit ni Potpot sa tumayong magulang niya dahil walang ipinakitang masama sa kanya at inalagaan siya nang husto kaya mas lalo siyang ganadong magtrabaho para sa pamilya niya.

Ipinasok siya ni Sofia bilang Vida na maging modelo sa House of Teri na ilo-launch isa sa mga araw na ito.

Abangan ang mga susunod na mangyayari sa Pusong Ligaw ngayong hapon dahil alam na ni Bianca King (Marga) ang sikreto ni Bianca Gonzales (Teri) tungkol sa tunay nitong anak at si Popot (Diego) iyon.

Gumagawa ng sariling imbestigasyon din ang asawa ni Teri (Beauty) na siRaymund Bagatsing (Jaime) kung saan mahahanap ang anak niya.

 

FACT SHEET
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …