Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PHil pinas China

Sandy Cay ‘di isusuko ng PH sa China

TINIYAK ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., hindi isusuko ng Filipinas ang paghahabol sa Sandy Cay kahit inaangkin ito ng China.

Sa text message sa media, kinompirma ni Esperon na lumapit nang husto ang mga tropang Tsino sa Pag-asa Atoll o Sandy Cay ngunit hindi nila ito sinakop, taliwas sa pahayag ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na binabantayan ito ng Chinese military.

“The Chinese came too near, but did not occupy it,” ani Esperon.

Paliwanag ni Esperon, naninindigan ang Filipinas na ang Sandy Cay ay bahagi ng Pag-asa Atoll, parte ng Kalayaan Municipality na sinasabi naman ng China na nasa loob ng kanilang teritoryo base sa nine-dash- line kaya’t hanggang sa ngayon ay pinag-aagawan ang naturang teritoryo.

Marami aniyang fishing boats sa paligid ng erya gaya ng Chinese, Vietnamese at Filipino.

Aniya, naroon sa lugar ang mga barko ng Chinese Coast Guard at People’s Liberation Army (PLA) Navy.

“They (China) have not seized Sandy Cay (Sand Bar) which we claim to be part of Pagasa Atoll. But many fishing boats (Chinese, Vietnamese, Filipino) are in the area. There are also Chinese Coast guard and PLA Navy ships. We claim that Pagasa is part of Kalayaan Municipality. China claims it to be part of their territory inside the 9-dash line. Therefore the area remains as a disputed area. But of course we are not giving up the sandbars ( Sandy Cay),” dagdag niya.

Nanawagan si Carpio kina Pangulong Rodrigo Duterte at Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na magpadala ng barko ng Philippine Navy sa lugar at kapag inatake ng Chinese Navy ships ay magpasaklolo kay Uncle Sam alinsunod sa Philippine-US Mutual Defense Treaty.

Nakasaad sa tratado na obligasyon ng US military na ayudahan ang militar ng Filipinas kapag inatake ng puwersang dayuhan.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …