Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Randy, pumanaw sa edad 24

NAKIKIRAMAY kami sa pamilya nina Randy Santiago at Marilou Coronel-Santiago sa pagkamatay ng anak nilang si Ryan Leonardo Santiago sa edad na 24 noong Linggo ng gabi.

Base sa pagkakatanda namin, dalawang taon na ang nakararaan nang ma-diagnose si Ryan ng fungal virus at ilang beses siyang sumailalim sa operas-yon at labas pasok sa hospital.

Ayon sa mga nakakilala kay Ryan sa showbiz na madalas kasing isinasama noon ni Randy sa mga show niya, makulit at masayahing bata, bukod pa sa plano nitong sundan ang yapak ng ama at uncle Rowell Santiago kaya siya kumuha ng kursong Multi-media sa De La Salle University.

Co-host dati si Randy ni Sharon Cuneta sa programa nitong The Sharon Cuneta Show at karay-karay ng TV host/actor/songwriter ang anak na si Ryan at siya ‘yung kalaro ng mga staff dahil nga tabachingching at makulit.

Ito ang mga kuwento ng ilang staff na nakasama ang anak nina Randy at Marilou noong bagets pa na pawang masasayang memories ang naalala.

Bumuhos ang pakikiramay ng lahat ng nakasama ni Randy sa showbiz kasama ang buong cast ng La Luna Sangre na kabilang ang aktor sa programa bilang comic relief at may gusto kay Gelli de Belen.

As of this writing ay wala pa kaming alam kung saan ilalagak ang abo ni Ryan na na-cremate na kahapon at kagabi naman ibinurol sa La Salle Greenhills Chapel.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …