Sunday , April 6 2025

Parojinogs, 10 pa patay sa drug raid sa ‘kuta’ ni mayor

IPINANGAKO ng administrasyong Duterte na paiigtingin ang kampanya kontra illegal drugs.

Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng pagkamatay ng 12 katao, kasama si Ozamis City Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog at misis na si Susan, nang salakayin ng pulisya ang kanilang bahay kahapon ng madaling-araw.

Inaresto sa nasabing raid si Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez, umano’y nobya ni Bilibid druglord Herbert “Ampang” Colangco.

“The Administration vowed to intensify the drug campaign. The Philippine National Police (PNP) conducted a raid in the Parojinog residence this morning which led to the arrest of Ozamiz Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez and scores of others,” ani Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Ang mag-amang Aldong at Nova ay kasama sa isiniwalat na listahan ng narco-politicians ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakalipas na taon.

“The Parojinogs, if you would recall, are included in PRRD’s list of personalities involved in the illegal drug trade. Authorities will be releasing updates as soon as they become available,” ani Abella.

Batay sa inisyal na ulat, pinaputukan ng armadong kalalakihan na nasa loob ng bahay ni Parojinog ang mga pulis habang papasok sa bahay ng alkalde para isilbi ang search warrant.

Bukod sa mag-asawang Aldong at Su-san, kabilang sa mga napatay ay sina Provincial Board Member Octavio Parojinog at ilang kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPAT).

Naganap ang madugong insidente nang isilbi ng mga pulis ang anim search warrants sa mga bahay ng mga Parojinog.

Nakompiska sa pagsalakay ang isang shotgun, tatlong rocket propelled grenade launchers, dalawang granada, walong M79 bullets at isang M79 rifle, shabu paraphernalia, at shabu.

ni ROSE NOVENARIO


About Rose Novenario

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *