Sunday , December 22 2024

Dulay, wala ‘raw’ alam sa Del Monte scam?

SA PAGDINIG nitong Martes sa House Committee on Ways and Means, nagmukhang ‘walang alam’ si Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay sa kabulastugan ng 17 opisyal ng kawanihan na nagpababa sa dapat bayarang buwis ng Del Monte Philippines Inc., mula sa halos P30 bilyon sa kakarampot na P65 milyon.

Ikinatuwiran ni Dulay na hindi nagdaan sa kanyang tanggapan ang transaksiyon kaya mismong si Speaker Pantaleon Alvarez ang nagsa-bing hindi katanggap-tanggap ang katuwiran niya lalo’t ang kanyang Chief of Staff-Legal na si Atty. Gaudencio “Gading” Mendoza ang itinuturo ng mga ‘insider’ sa BIR na nag-utos sa sabwatan para maibaba ang dapat bayarang buwis ng Del Monte.

Katuwiran nga kay Committee chair Quirino Rep. Dakila Cua ni assistant commissioner for Large Taxpayers Service (LTS) Teresita Angeles, nasa kapangyarihan ni Dulay ang pagpapababa sa buwis ng Del Monte.

Anoman ang ikatuwiran sa print media nina Dulay at ng Del Monte at magpa-banner man sila sa lahat ng tabloids at broadsheets, lilitaw ang katotohanang pinababa nila ang dapat bayaran ng kompanya ng Del Monte. Napakalaki ng P30 bilyon na sapat na para hindi magpatupad ng Tax Reform Package ang Kongreso na lalong magpapahirap sa maliliit na mamamayan.

May ulat na sobrang lakas nitong si Atty. Gading kay Finance Secretary Sonny Dominguez na nagtalaga kay Dulay sa BIR. Sino ba talaga itong si Atty. Gading?

Sa usap-usapan sa BIR at kapag nag-google ka sa pangalang Gaudencio Mendoza, siya ang Atty. Mendoza na nasangkot sa mga kontrobersiya sa Department of Finance (DOF). Siya rin ang may akda ng pagbaba ng taripa at buwis ng sigarilyong Pall Mall na nalugi ang pa-mahalaan ng P93 milyon bawat taon sa excise tax.

Ang Pall Mall scam ay hindi pinalampas ng Commission on Appointments kaya kamuntik hindi makalusot sa kompirmasyon si dating DOF Secretary Margarito Teves. Dahil dito, napilitan si Atty. Gading na magbitiw sa kanyang puwesto bilang Undersecretary ng DOF noong 2008 nang kuwestiyonin ang kanyang karakter ni dating senador Juan Ponce Enrile.

Siya rin ang Atty. Mendoza na nagpabor ng hindi pagbabayad ng tamang buwis ng Red Baron sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) noong nanungkulan siya bilang Director. Mariin itong kinuwestiyon noon ng ngayon ay Senador na si Richard Gordon na naging pununo ng SBMA.

May tsismis sa BIR na ang panggastos na ibinigay ng Del Monte kay Atty. Gading para mapababa ang buwis ay P650 milyon kasama na ang payment na P65 milyon. Pero ang ipinamigay ni Atty. Gading sa mga kasabwat sa BIR ay P150 milyon lamang.

Adaw! Nagkabukulan pa?

Kung totoo ang tsismis na ito sa BIR mismo, tiyak na magagalit si Pangulong Rodrigo Duterte kay Atty. Gading at mawawalan na siya ng tiwala kay Dulay.

Banta nga ng Punong Ehekutibo sa mga taong gobyerno: “Unexplained wealth means unexplained death. Reform or die!”

Baka naman puwedeng i-check ang lifestyle ng taga-BIR.

He he he.

ABOT-SIPAT – Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *