Tuesday , December 24 2024
shabu drug arrest

P2-M droga kompiskado sa Makati condo (2 drug operator, 14 drug user huli sa pot session)

NAKOMPISKA nang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4, Station Drug Enforcement Unit (SDEU), at Police Community Precinct-6 ng Makati City Police, ang bulto-bultong shabu, party drugs at marijuana, umabot sa mahigit P2 milyon halaga, sa pagsalakay sa condominium unit na pag-aari ng isang babaeng hi-nihinalang bigtime drug pusher sa lungsod, nitong Lunes ng gabi.

Sa text message ni Southern Police District Public Information Office chief, Supt. Jenny Tecson, nagkasa ng raid ang mga awtoridad sa pamumuno ni PDEA Region 4 Director Archie Grande, sa Unit 841, Tower D, Jazz Residences, sa panulukan ng Jupiter at Nicanor Garcia streets (dating Reposo St.), Brgy. Bel Air, Makati City, na pag-aari ng suspek na si Joanne Cuachon, dakong 10:30 pm.

Isinagawa ang pagsalakay sa bisa ng Search Warrant 17-032 para sa paglabag sa Article II, Section 11, ng Republic Act 9165, na inisyu ni Makati City Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Elmo M. Alameda.

Naunang inaresto si Cuachon nitong Biyernes ng mga operatiba ng PDEA Region 4 sa buy-bust operation.

Ayon kay Grande, itinuturing nilang isang bigtime drug pusher si Cuachon at posibleng ginagawang drug den ang kanyang condo unit para sa kanyang mga parok-yano. (JAJA GARCIA)

2 DRUG OPERATOR,
14 DRUG USER
HULI SA POT SESSION

ARESTADO ang dalawang hinihinalang drug den operator at 14 drug user, ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang anti-drug operation, iniulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ni QCPD Masambong Police Station 2 chief, Supt. Igmedio Bernaldez, ang da-lawang hinihinalang drug den operator na kapwa nasa drug watchlist ay kinilalang sina Judy Ibahan alyas Boy, 57, ng 141 Agham Road, Brgy. Pag-asa, Quezon City, at Erwin Castro, 31, ng Sitio San Roque, Brgy. Pag-asa, ng nabanggit na lungsod.

Samantala, ang pagsalakay sa drug den sa Agham Road ay nagresulta sa pagkakaaresto sa 14 drug users na pawang naaktohan sa paggamit ng shabu.

Ayon kay Supt. Bernaldez, dakong 5:00 pm kamakalawa nang salakayin ang drug den makaraan itimbre ng isang concerned citizen sa kanyang tanggapan.

Nakuha sa lugar ang hindi pa batid na halaga ng shabu, at drug paraphernalia. (ALMAR DANGUILAN)

About Jaja Garcia

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *