Sunday , April 28 2024

P3.8-T activist budget sa 2018 nasa Kongreso na

ISINUMITE ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang P3.8-T “activist budget” sa Kong-eso para sa susunod na taon.

Sa kanyang budget message, sinabi ng Pangulo, maraming dapat gawin upang maipatupad nang mas maayos ang mga repormang kanyang ipinangako para sa bayan.

“[This budget] is an indication that we need to put in more work in order to sustain the change in governance which we have begun,” ani Duterte sa kanyang 23-pahinang budget message.

Aniya, nais niyang gastusin ang 2018 budget para sa mga proyektong magiging kapaki-pakinabang sa publiko at hindi papogi lang.

“With much still to be done, we need a more activist budget to fulfill the longing of our people — not just for reports of economic growth and progress but for actual personal experience of these gains in terms of a better life for all Filipinos,” dagdag niya.

Upang maibsan ang kahirapan at itambol ang paglago ng ekonomiya, ang malaking bahagi ng budget ay ilalaan sa edukasyon, at sa infrastructure development program na “Build, Build, Build.”

Ang kikitain sa Sin Tax Law ay gagamitin para mapaganda ang serbisyong pangkalusugan, pagsasaayos ng health facilities at pagpapakalat ng medical practitioners.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

C5 Quirino flyover Villar

Sa Las Piñas  
C5 EXT. QUIRINO FLYOVER BINUKSAN SA MOTORISTA

BINUKSAN sa mga motorista ang C5 Quirino flyover, C5 extension sa lungsod ng Las Piñas. …

itak gulok taga dugo blood

2 anak pinagalitan,
BABAE PATAY SA TAGA NG AMA

PATAY ang isang 27-anyos babae matapos tagain ng kanyang ama dahil sa hindi pagkakaintindihan sa …

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *